Monday, July 3, 2017

*MANNY "PACMAN" PACQUIAO" ni Augusto Monsayac




Sa magiting mong pagpapakita
Ng iyong pambihirang kakayahan
Pinataginting no sa sangkatauhan
Ang galing ng lahing-Pilipino.

Refrain 1:
Mapalad along masaksihan and iyong kabayanihan
Mapalad ako
Na ikaw ay buhat sa lahi kong pinagmulan.

Chorus:
Kaya bilang isang Pinoy
Karangalan kong sa iyo at magpugay
At ipagbunyi ang pangalan
Na MANNY "PACMAN" PACQUIAO;
At bilang isang Pinoy
Kaligayahan ko na ipahayag
Nabuhay ako sa panahon
Ni MANNY "PACMAN" PACQUIAO.

Sa marangal mong pagtatagumpay
Na makagawa ng kasaysayan
Itinaguyod mo sa sandaigdigan
Ang dangal ng bansang Pilipinas.

Refrain:
Mapalad akong matunghayan ang iyong kadakilaan
Mapalad ako na ikaw at anak ng aking Inang Bayan.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Siguradong ang inspirasyon
Na makulay mong pinakislap
At magniningning sa buong daigdig
Sa habang panahon
Ohhhhh.

Refrain 3:
Mapalad akong maihimig ang iyong pagka-alamat
Mapalad ako na ikaw ay aking kababayan.

(Ulitin ang Chorus, 2X)