Panahon na naman ng Kapaskuhan
Kaya't marapat tayong magdisplay
Ng ating Belen
Na siyang simbolo ng pagsilang
Ng Panginoong Hesukristo
At paghiga sa Kanya sa sabsaban
Sa Bethlehem.
Chorus:
Belen
Na may mga pastol
Na binalitaan ng isang anghel;
Belen
Na may mga pantas
Na pinangunahan ng isang tala;
Belen
Kung saan hiniga nina San Jose't Maria
Ang lalaking sanggol na si Jesus
Sa isang sabsaban.
Christmas is the most significant time of the year
It's the earth's celebration of the birth of our Savior Jesus Christ
It's the best time to be with the people so dear to your heart
That is why I always long to
Celebrate Christmas with you.
Chorus:
(And, I) greet you
Merry, Merry Christmas
Merry Christmas to you
Merry, Merry Christmas
Merry Christmas to you
I am very joyful we're together
On this holiday
That is why I always (long, love) to
Celebrate Christmas with you.
Christmas is the most eventful season of the year
It's the world's festivity of the love of our Father Almighty God
It's a season for giving, for sharing, for showing love
That is why I always love to
Celebrate Christmas with you.
(Repeat Chorus, 2X)
I... I always love to
Celebrate Christmas with you.
*KAPILING SA ARAW NG PASKO*
Taimtim kong ipinalangin
Na sana tayo'y magkapiling
Sa pagsapit ng araw ng Pasko;
Makasalo ka sa Noche Buena,
Makasama sa pagsisimba,
Makapiling ka sa Pasko.
Chorus:
At ngayong heto na at kapiling kita
Ang Pasko ko ay tunay na maligaya
Abot-langit ang pasasalamat
Sa regalong 'tong aking natanggap
Buhat sa Panginoon
Na ika'y kapiling ko ngayong
Araw na ito ng Pasko.
(Ulitin ang I)
Uliting ang Chorus, 2X)
Sa araw na ito ng Pasko.
*SABSABAN*
Minsan, may isang sanggol
Na maluwalhati na nailuwal
Ngunit wala nang lugar pa
Para sa kanila sa panuluyan.
Kaya minarapat ng kaniyang mga magulang
Na siya ay ihiga sa isang sabsaban.
Chorus:
Sa isang sabsaban
Doon ay nahiga
Ang Hari ng mga hari
Para maipadama ang napakadakila
Niyang wagas na pagmamahal
Para sa'yo, para sa akin,
Para sa ating lahat
Para sa'yo, para sa akin
Para sa buong sanlibutan.
Hesus, Hesus, Hesus,
Hesus, ang Kaniyang pangalan.
(Ulitin ang Chorus, 2X)
Sa isang sabsaban
Doon ay nahiga
Ang Hari ng mga hari.
*IKAW ANG AMING PASKO,
PANGINOONG HESUS*
O, aming Panginoon,
Narito kami ngayon
Nagsasamasama, nagsasalu-salo
Buong kagalakang ipinagdiriwang
Ang araw ng iyong kapanganakan.
Refrain:
Pinupuri ka namin
Pinasasalamat ka namin
Sa Iyong pagpapadama sa amin
Ng napakadakila mong pag-ibig.
Chorus:
Ikaw ang aming Pasko,
Panginoong Hesus
Kami ay mayroong Pasko
Dahil sa'yo, O, Panginoong Hesus
Ikaw ang Hari ng mga hari
Panginoon ng mga panginoon
Ikaw ang aming Kristo
Ikaw ang aming Pasko.
(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)
Ikaw ang Hari ng mga hari
Panginoon ng mga panginoon
Ikaw ang aming Kristo
Ikaw ang aming Pasko.
*BELEN*
Panahon na naman ng Kapaskuhan
Kaya't marapat tayong magdisplay
Ng ating Belen
Na siyang simbolo ng pagsilang
Ng Panginoong Hesukristo
At paghiga sa Kanya sa sabsaban
Sa Bethlehem.
Chorus:
Belen
Na may mga pastol
Na binalitaan ng isang anghel;
Belen
Na may mga pantas
Na pinangunahan ng isang tala;
Belen
Kung saan hiniga nina San Jose't Maria
Ang lalaking sanggol na si Jesus
Sa isang sabsaban.
(Ulitin ang I)
(Ulitin ang Chorus, 2X)
Belen!
*KAROLING*
Narito po ako humihimig
Ng awit-Pamasko
Hindi po para gambalain
O abalahin kayo, no, no, no
Kundi upang ipakintal
Sa ating diwa't puso
Ang maningning at makulay
Makahulugang tunay
Na mensahe ng Pasko.
Chorus:
Sumasaatin ang Diyos
Kasama natin ang Diyos
Sa lahat ng Pasko
At sa lahat ng panahon;
Sumasaatin ang Diyos
Kasama natin ang Diyos
Kaya maligaya ang Pasko
Maligang pasko!
Narito po ako umaawit
Nangangaroling sa inyo
Hindi po para sa anomang
Inyong maipagkakaloob
Kundi upang ipahayag
Sa inyo ang pagpapala
Ng pag-ibig, kaligayahan,
Pag-asa't kapayapaang
Hatid ng Kapaskuhan.
(Ulitin ang Chorus)
Bridge:
May handa man o wala
May pera man o wala
At kahit na napakaraming problema
Sumasaatin ang Diyos
Kasama natin ang Diyos
Kaya maligaya ang Pasko.