Wednesday, September 18, 2019

ANG PINAGSAMA NG DIYOS AY HUWAG PAGHIWALAYIN NG TAO


"ANG PINAGSAMA NG DIYOS AY HUWAG PAGHIWALAYIN NG TAO."

BAKIT?????????????????????????????????

Dahil MISMOng ang DIYOS ay HINDI Niya PINAGHIWALAY ang Kaniyang PINAGSAMA.

Noong sinuway nina EBA at ADAN ang utos ng Diyos na "Huwag kakain sa puno ng pagkaalam ng mabuti at masama", dahil napatukso si Eba sa Ahas na kainin ito at naengganyo naman niya si Adan na kumain din (kaya nila nalaman na sila ay hubo't hubad), HINDI sila PINAGHIWALAY ng Diyos noong sila ay nagsisisihan kung sino ang may kasalanan sa kanila.

Kahit si Eba ang masisising may pangunahing kasalanan kung bakit nalabag nila ni Adan ang utos ng Diyos, hindi pinatay ng Diyos si Eba at hindi gumawa ang Diyos ng panibagong BABAE mula sa tadyang ng LALAKIng si Adan. Sa halip na paghiwalayin, MAGKASAMA silang pinalayas ng Diyos sa halamanan ng Eden.
Kahit paghihirap ang naging parusa ng Diyos kay Adan, hindi iyon naging dahilan para humiwalay sa kaniya si Eba. At ang parusa na ibigay naman ng Diyos kay Eba ay iyon pala ang magpapatibay ng pagsasama nila ni Adan bilang mag-asawa- ang pagkakaroon ng mga ANAK. Kaya, sa relasyong mag-asawa, ang mga ANAK din ang PINAKAMAGANDANG DAHILAN para PATULOY na MAGSAMA ang MAG-ASAWA at MANATILING BUO ang PAMILYA, gaya ng ginawa ng Diyos NANG PASIMULA.

Kung noong ang AHAS (si SATANAS) ang siya mismong TUMUKSO at GUMAWA ng PARAAN na MAWASAK o MASIRA ang PINAKAUNANG RELASYON na ibinigay ng Diyos sa tao - ang pagiging MAG-ASAWA-
ay HINDI PINAHINTULUTAN ng Diyos na mangyari, at kung ang PAGSUWAY nina Eba at Adan sa PINAKAUNANG PAGBABAWAL ng Diyos sa SANGKATAUHAN ay HINDI naging SAPAT na DAHILAN para PAGHIWALAYIN ng Diyos ang Kaniyang pinagsama, ngayon, SINO ang TAO para PAGHIWALAYIN ang PINAGSAMA ng DIYOS?