Sawatain ang alingawngaw ng pagsuko sa buhay;
Kaisipang inutil ang ilibing sa malalim na hukay;
Katawang hapung-hapo sa kahinaang tinataglay
Ikanlong sa mga bisig ng may mapagpalang mga kamay.
Diwa ay palayain sa tanikala ng kahapon;
Mga abo ng pagkakamali ay ipaanod sa alon;
Bawat panibagong araw ay isang pagkakataon
Upang maisakatuparan ang mga mabubuting layon.
Umahon sa kumunoy ng kawalang kahalagahan;
Saliksikin at dalisayin ang mga angking katangian;
Mula sa lumang katauhan at pagkakakilanlan
Pasilangin ang mapaglingkod at mapagmahal na nilalang.
Pagsikapang sa mga sariling paa ay tumayo;
Lakas ng loob ay paghariin sa kalamnan at sa dugo;
Sa samu't saring karanasang sumusubok sa puso
Pananampalataya ay palaging hayaang nakatimo.
Batiin ang kalangitan, ngitian ang mga ulap;
Pag-asa ang isalubong sa nakaabang na hinaharap;
Mga pawis ng sakripisyo sa pagbata ng hirap
Katumbas ay halimuyak ng tagumpay na pinapangarap.
Magpatuloy sa pagtahak sa kabuluhan ng buhay
Hanggang humantong sa pinahuling hiningang naghihintay;
Katatagan ang maging bakas ng isang paglalakbay
Na ang wakas ay sa piling ng may mapagpalang mga kamay.
Wednesday, April 27, 2011
Wednesday, April 20, 2011
PANALANGIN NG NASA BANIG NG KARAMDAMAN ni Augusto Flameño Monsayac
Dakilang Manlilikha ng lahat na nilalang
Diyos na mapagmahal, puspos ng kahabagan
Nananalig ako na, kung iibigin Mo lang
Agad na mapaparam ang aking karamdaman.
Gayon din, Panginoon, naniniwala ako
May dahilan kung bakit pinahintulutan Mo
Na ang sakit na ito'y makadapo nang husto
Sa pisikal na anyo ng aking pagkatao.
Kaya nakakalakip ng hiling kong paggaling
Ang pakiusap ko na ihayag Mo sa akin
Ang likas na katwiran o tunay na layunin
Ng pangangailangang ito'y aking danasin.
(Kung ito ay para sa mabunying pagtatanyag
Ng pangalan Mong banal at pagkarilag-rilag
Ang aking kaluluwa ay nagpapasalamat
Sa pagsangkapan Mo sa Iyong aliping hamak.
Kung ito ay bahagi ng masusing proseso
Ng pagdadalisay sa pag-ibig ko sa Iyo
Ang bawat sandali ng pagtitiis ko nito
Sana'y makapaghatid ng aliw sa puso mo.
Kung ito ay paraan upang aking malirip
Ang aking kabuluhan at misyon sa daigdig
Ang kalakasan ko ay sa Iyo nakasalig
Pakilusin Mo ako nang ayon sa'yong nais.
Kung ito ay bunga ng aking kapabayaan
O pang-aabuso sa angkin kong kalusugan
Ituro Mo sa akin ang angkop na paglinang
Sa aking mga sangkap na Ikaw ang may bigay.
Kung ito'y pagpigil sa akin ng Iyong tungkod
Upang iiwas ako sa mas malubhang salot
Pastol ko, sa'yong gabay at paglingap na lubos
Buong kaamuan na ako'y nagpapasakop.
Kung ito ay palo ng pagsaway Mo sa akin
Dahil ako ay naging anak na masuwayin
Ama, ang aking sala ay Iyong patawarin
At patuloy Mo akong akayin sa'yong piling.
Kung ito ay pagsubok sa buo kong pamilya
Upang lalong tumibay ang aming pagsasama
Hirap na dulot nito'y hayaan Mong makaya
Ng bawat isa sa'min nang sa'yo umaasa.)
Kung ito'y magtatagal at ihahantong ako
Sa pagkabuto't balat na may isip na gulo
Patagintingin Mo na kahit ako'y ganito
Ang abang buhay ko ay may halaga sa Iyo.
Kung kapalaran ko na ito ay malunasan
Sa pamamagitan ng kaalamang-medikal
Ganap Mong ipakintal na ako ay humusay
Dahil ipinasiya ng Iyong karunungan.
Kung sa paghilom nito'y magiging instrumento
Ang taong may kaloob ng Espiritu Santo
Iyong ipatimo na ang kapangyarihan Mo
Ang naghandog sa akin ng kaginhawahan ko.
At, kung sakali man na ito ang takdang-sanhi
Upang ang hininga ko ay Iyo nang mabawi
Ang aking pag-uwi sa pagka-alabok uli
Nawa'y para sa iyong ikaluluwalhati.
Sunday, April 17, 2011
THE GREATEST LOVER by Augusto Flameño Monsayac
Running, running and running
But didn't know where to go;
Wailing, wailing and wailing
But the pain and fear were still in his soul
So he thought of escaping from the world
By bringing his own life to it's end
But the "angel of HIM" came with a voice,
"I am here as a concerned friend."
Weeping, weeping and weeping
With some questions in his mind
Thinking, thinking and thinking
Why HE cares for him a lot
But when he was about to open his mouth
To ask for an answer from HIM
HE embrace him and sweetly whispered,
"I am just naturally caring."
Crying, crying and crying
With overwhelming joy in his heart
Thinking, thinking, and thinking
How can he compensate HIS love
But before he could think of any way
HE tightened up HIS hug
And let him feel the lovely words,
"My love for you is unconditional."
Thanking, thanking, and thanking
The GREATEST LOVER he has ever known
Singing, singing and singing
With all his heart, mind and soul
But none of his songs could be sweeter
Than the melody of HIS lullaby
Saying, "O, my child, my precious child,
I love you very much."
Subscribe to:
Posts (Atom)