Tuesday, April 28, 2015

*SONGS INSPIRED BY BOSSING VIC SOTTO'S BIRTHDAY CELEBRATIONS (extended) ON EAT BULAGA by Augusto Flameño Monsayac





*HAPPY BIRTHDAY BOSSING*
(Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!)

Pinagpala ang araw na ikaw ay isilang
Salamat sa'yong mga magulang
Vic Sotto mong pangalan
Ang nag-iisang "Bossing" ng bayan.

Kapiling ang mga Dabarkads sa Eat Bulaga
Lalo't 'pag sina Tito at Joey ay kasama
Hatid mo'y isang libo't isang tuwa
At bayanihang may pag-asa.

Refrain:
Hulog ka ng langit sa amin
Tugon ka sa aming panalangin
Kaya, ngayon, ibig ka naming pasayahin
Nang may pasasalamat na pagbati ng...

Chorus:
Happy Birthday Bossing!
Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!
Happy Birthday Bossing!
Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!
Happy Birthday Bossing!
Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!
Da best ka Bossing!
We love you Bossing!

Talaga namang dulot mo'y kaligayahan
Mapatelebisyon o mapasine man
Singing, hosting, acting as a comedian
Patok na patok sa'ming iyong mga fans.

Dedikasyon at pagmamahal mo sa trabaho
Dama namin sa inspirasyong pinaparating mo
Sa karamihan ng mga natulungan
Patunay ng pagkamabuti mong tao.

(Ulitin ang Refrain at Chorus)

Bossing! Bossing!

Bridge:
Hiling namin na sana ay humaba pa nang humaba
Ang iyong tinataglay na buhay.
Yeah! Yeah! Yeah!!

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Happy Birthday Bossing!
Da best ka bossing!
Happy Birthday Bossing!
We love you Bossing!
Happy Birthday Bossing!
Happy Birthday Bossing!




*IKAW NA, DA BEST KA*

'Di matatawaran ang iyong kasipagan
Na inilalaan sa paghahanapbuhay
Ginagawa mo ang lahat sa pagsusumikap
Na maitaguyod ang ating pamilya.

Chorus:
Ikaw na, Da best ka
Da best na da best kang talaga
Ipinagpapasalamat kong lubos  na magulang kita;
Ikaw na, da best ka
Da best na da best kang talaga
Ipinagmamalaki ko sa mundong
Magulang kita.

Hirap at pagod ay iyong binabata
Makatugon lamang sa ating pangangailangan
Mga hamon sa pagtatrabaho'y pilit mong kinakaya
Kahit na mataya pa ang sariling buhay.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Ang sarap mabusog sa'yong pagmamahal
Aking ikinararangal na ako'y iyong anak.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Ikaw na, Da best ka!


Saturday, April 18, 2015

INSPIRATIONAL SONGS by Augusto Flameño Monsayac





*THE VOICE WITHIN YOUR HEART*

Should there are some people
Being harsh on you
Despising you as if
You don't belong to this world;
Should circumstance put you
In situations filled troubles
You don't know what to do
And don't know where to go.

Refrain:
Should in these times
You find yourself alone
That your only companion
Is your shadow
You may close your eyes for awhile
And listen to the voice
Within your heart
Saying...

Chorus:
Never give up, my friend
Despite the bad things
That are happening
Life is still worth living;
All of the hardships
You are going through
Are designed to make you strong
To strengthen your faith in the Lord;
I know you can make it;
Everything will be fine;
Everything will be all right
Now, my friend,
Let me see you smile.

Should you feel that your pain
Is so heavy to bear;
That all your tears are not enough
To wash it away;
Should your fear is higher than
The highest mountain
And thoughts of bringing your life
To its end keep on coming.

(Repeat Refrain)

(Repeat Chorus, 2X)





*MAHAL NA MAHAL KA NG DIYOS*

Chorus:
Mahal na mahal ka ng Diyos;
Mahal na mahal ka ng Diyos;
Mahal na mahal ka ng Diyos;
Mahal na mahal ka ng Diyos.

Kahit malaki ang problema
Sa mundo na 'to
Laging andyan ang Panginoon
Para tulungan at bigyan ka ng solusyon
Sa lahat ng 'yan.

(Ulitin ang Chorus, 3X)




*MAKAKARAOS DIN TAYO*

Tila ba mga problema
Ay sunud-sunod sa pagdating;
Mga pagsubok ay wari bang
Walang katapusan;
Ikaw ba'y napapagod na't
Gusto mo nang sumuko...

Refrain:
Pakinggang mo muna
'Tong awit awit kong 'to
Na hinihimig ko
Para sa'yo...

Chorus:
Alam ng Diyos ang ating pinagdadaanan;
Batid Niya ang lahat ng ating pangangailangan;
Kapit lang nang mahigpit sa Kanya
Manampalataya kang darating din ang araw na
Makakaraos din tayo
Makakaraos din tayo.

Animo ba gumuguho na ang iyong pag-asa
At takot mabuhay pa'y gunugulo sa'yo
'Di alam ang gagawin, 'di alam kung saan tutungo.

(Ulitin ang Refrain at Chorus)

Bridge:
Sa kabila ng lahat, dapat na magpasalamat
Sa biyayang buhay na bigay
Ng Dakilang Maykapal
At sa walang humpay na pag-ibig Niya sa atin
Makakaraos din tayo
Makakaraos din tayo...

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Makakaraos din tayo
Makakaraos din tayo.




*WAG NA WAG KA MAWAWALAN NG PAG-ASA*

Anoman ang iyong
Mga pinagdadaanan;
Gaano man kabigat
Ang suliranin, kaibigan.

Refrain:
Lahat ng 'yan ay mayroong kadahilanan
Basta't maniwala, magtiwala kang
Kaya mo 'yan...
Kaya mo 'yan.
Kaya...

Chorus:
Wag na wag ka mawawalan ng pag-asa;
Anoman ang mangyari ay
May dahilan pa rin para magsaya
At ipagdiwang ang ganda ng buhay
Tandaan mo kaibigan ko,
"Kaya mo 'yan!"

Sa bawat pagsubok
Ay mayroon kang maaasahan
Gadagat, gabundok man ito,
Aking kaibigan.

(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)

Kaya kaibigan ko,
Ngiti naman diyan.

Thursday, April 9, 2015

PILIPINO: Mga Himig ng Nasyonalismo ni Augusto Flameño Monsayac




*PILIPINO*

A-ko ay isang Pilipino
BA-yan ko ay Pilipinas;
Ka-rangalan ko na sa
DA-loy ng dugo ko
E-spiritung-Pinoy ay nananahan.

GA-ling, talino, at lakas kong angkin
HA-in para sa dangal ng aking lahi;
I-wi ko mang buhay
LA-ang iaalay kay
MA-hal na Inang Bayang Pilipinas.

Chorus:
Pilipino, Pilipino
Oh, kaysarap po maging Pilipino;
Pilipino, Pilipino
Mabuhay ang Pilipino!
(Mabuhay!)


NA-katatak sa aking pagkatao't
NGA-lan ang pagiging Pilipino;
O-bligasyon kong likas ang
PA-g-ibig sa bayan na
RA-mdam sa kaibuturan ng damdamin.

SA-an man ako mapatungo
TA-as noong "Ako at laying Pilipinong
U-maawit sapuso ang
WA-gayway ng pagsinta't
YA-pos ni Inang Bayang Pilipinas".

(Ulitin ang chorus, 3X)

Mabuhay ang Pilipino! (Mabuhay!)
Mabuhay ang Pilipino! (Mabuhay!)





*KARANGALAN KO ANG MAGING ISANG PILIPINO*

Sige, bayaan mo
Na magningning ang alab
Na buhay sa'yong pagkatao;
Na sumisimbuyo sa'yong kaluluwa;
Na lumulukob sa'yong mga laman at buto;
Na buong ningas na sa'yo ay nag-aanyaya
Na taas-noo mong ipahayag...

Chorus:
Karangalan kong sa dibdib ko'y
Tumitibok ang pusong Pilipino;
Karangalan kong sa mga ugat ko'y
Dumadaloy ang dugong Pilipino;
Karangalan kong ang pinagmulan ko'y
Binhi ng lahing Pilipino;
Karangalan ko, karangalan ko
Ang maging isang Pilipino.

Sige, iyong tugunin
Ang tawag ng mga tinig na
Ipinaparating sa hangin
Ng mga espiritung nabuhay nang may giting;
Na ang mga pangalan ay tatak ng pagkabayani;
Na buong tapang na sa'yo ay nag-aanyaya
Na taas-noo mong ipahayag...

(Ulitin ang Chorus)

Sige iyong ipadama
Ang init ng pag-ibig mo
Sa bayan mong tinubuan
Na simula't sapul sa kanyang kasaysayan
Ay bayang sinisinta ng iyong mga kababayan
Na buong galak na sa'yo ay nag-aanyaya
Na taas-noo mong ipahayag...

(Ulitin ang Chorus, 3X)





*PILIPINAS*

Sa pusod ng mundo'y
Katipunan ka ng mga pulo
Na pinag-uugnay-ugnay
Ng katubigan na sa piling mo'y nakapalibot.

Bawat isla mo ay biniyayaan
Ng angking kariktan
At pinagpala ka'ng sagana
Sa likas na yaman.

Chorus 2:
Pilipinas, ang ganda mo!
(Ang ganda mo!)
Ikaw ay nililiyag nitong aking puso;
Paraiso kang tahanan ng aking kaluluwa;
Pilipinas, Plipinas, Pilipinas,
Mahal kita!

Iba't Ibang lahi, lipi, at etnikong-pangkat
Ang iyong binighani
At napaibig na manahan sa iyong paglingap...

Na sa pamumuhay nila'y
May pamanang tinataglay
Na sariling wika
At makulay na kultura at kasaysayan.

Chorus 2:
Pilipinas, ang galing mo!
(Ang galing mo!)
Sa'yo ay nagpupugay itong aking puso;
Paraiso kang tahanan ng aking kaluluwa;
Pilipinas, Pilipinas, Pilipinas,
Mabuhay ka!

(Ulitin ang Chorus 1 at 2, 2X)

Pilipinas, Pilipinas,
Mahal kita!
Pilipinas, Pilipinas,
Mabuhay ka!
Pilipinas, Pilipinas,
Mahal kita!
Pilipinas, Pilipinas,
Mabuhay ka!
Pilipinas, Pilipinas,
Mahal kita!





*HIMIG NG PAGPUPUGAY SA KABAYANIHAN*

Sa puso mo ay matimyas mong dinala
Ang pangalan ng ating Mutyang Bayan
Sa pamamagitan ng iyong angking kakayahan
Ibinandila mo ang ating lahing pinagmulan.

Refrain:
Pagdamutan mo itong
Handog ko sa iyo
Na himig ng pagpupugay
Sa kabayanihan mo.



Chorus:
Kababayan ko, salamat sa iyo
Sa pagbabahagi mo ng iyong buhay
Para makapagbigay-karangalan sa
Ating bansang Pilipinas;
Sa pagpapakita mo sa buong mundo
Ng kahusayan ng Pilipino
Kababayan ko, Mabuhay ka!
At salamat sa'yo.

Ang tulad mo ay larawan ng kahulugan
Ng pag-ibig sa ating Sintang Bayan;
Sa inspirasyon na magiting mong iwinagayway
Ipinadama mong ang sarap maging Pilipino.

(Ulitin ang Refrain at Chorus)

Bridge:
Ang Perlas ng Silanganan ay makulay na nagniningning
At ang Lipi ng Ginintuang Dugo
Ay magiliw na nagbubunyi
Na may himig ng pagpupugay sa kabayanihan mo
Kababayan ko, kababayan ko...

(Ulitin ang Chorus)

Kababayan ko, mabuhay ka
At salamat sa'yo.

Monday, April 6, 2015

THE GIFT OF TIME by Augusto Flameño Monsayac





The gift of time to be with
The people we dearly love
Is a special blessing we receive
From the Almighty above.

Time spent with family and friends
Is more valuable than diamonds;
Time shared to show love and care
Is a priceless memory to be treasured.

Time of caring about our loved ones
Even when they're away and far
Is a cherished feeling of importance
That they are so near to our hearts.

To see them and be physically present
Is an opportunity for us to make
So, let's make our move and give them our time
Before it's all too late.