Thursday, April 9, 2015

PILIPINO: Mga Himig ng Nasyonalismo ni Augusto Flameño Monsayac




*PILIPINO*

A-ko ay isang Pilipino
BA-yan ko ay Pilipinas;
Ka-rangalan ko na sa
DA-loy ng dugo ko
E-spiritung-Pinoy ay nananahan.

GA-ling, talino, at lakas kong angkin
HA-in para sa dangal ng aking lahi;
I-wi ko mang buhay
LA-ang iaalay kay
MA-hal na Inang Bayang Pilipinas.

Chorus:
Pilipino, Pilipino
Oh, kaysarap po maging Pilipino;
Pilipino, Pilipino
Mabuhay ang Pilipino!
(Mabuhay!)


NA-katatak sa aking pagkatao't
NGA-lan ang pagiging Pilipino;
O-bligasyon kong likas ang
PA-g-ibig sa bayan na
RA-mdam sa kaibuturan ng damdamin.

SA-an man ako mapatungo
TA-as noong "Ako at laying Pilipinong
U-maawit sapuso ang
WA-gayway ng pagsinta't
YA-pos ni Inang Bayang Pilipinas".

(Ulitin ang chorus, 3X)

Mabuhay ang Pilipino! (Mabuhay!)
Mabuhay ang Pilipino! (Mabuhay!)





*KARANGALAN KO ANG MAGING ISANG PILIPINO*

Sige, bayaan mo
Na magningning ang alab
Na buhay sa'yong pagkatao;
Na sumisimbuyo sa'yong kaluluwa;
Na lumulukob sa'yong mga laman at buto;
Na buong ningas na sa'yo ay nag-aanyaya
Na taas-noo mong ipahayag...

Chorus:
Karangalan kong sa dibdib ko'y
Tumitibok ang pusong Pilipino;
Karangalan kong sa mga ugat ko'y
Dumadaloy ang dugong Pilipino;
Karangalan kong ang pinagmulan ko'y
Binhi ng lahing Pilipino;
Karangalan ko, karangalan ko
Ang maging isang Pilipino.

Sige, iyong tugunin
Ang tawag ng mga tinig na
Ipinaparating sa hangin
Ng mga espiritung nabuhay nang may giting;
Na ang mga pangalan ay tatak ng pagkabayani;
Na buong tapang na sa'yo ay nag-aanyaya
Na taas-noo mong ipahayag...

(Ulitin ang Chorus)

Sige iyong ipadama
Ang init ng pag-ibig mo
Sa bayan mong tinubuan
Na simula't sapul sa kanyang kasaysayan
Ay bayang sinisinta ng iyong mga kababayan
Na buong galak na sa'yo ay nag-aanyaya
Na taas-noo mong ipahayag...

(Ulitin ang Chorus, 3X)





*PILIPINAS*

Sa pusod ng mundo'y
Katipunan ka ng mga pulo
Na pinag-uugnay-ugnay
Ng katubigan na sa piling mo'y nakapalibot.

Bawat isla mo ay biniyayaan
Ng angking kariktan
At pinagpala ka'ng sagana
Sa likas na yaman.

Chorus 2:
Pilipinas, ang ganda mo!
(Ang ganda mo!)
Ikaw ay nililiyag nitong aking puso;
Paraiso kang tahanan ng aking kaluluwa;
Pilipinas, Plipinas, Pilipinas,
Mahal kita!

Iba't Ibang lahi, lipi, at etnikong-pangkat
Ang iyong binighani
At napaibig na manahan sa iyong paglingap...

Na sa pamumuhay nila'y
May pamanang tinataglay
Na sariling wika
At makulay na kultura at kasaysayan.

Chorus 2:
Pilipinas, ang galing mo!
(Ang galing mo!)
Sa'yo ay nagpupugay itong aking puso;
Paraiso kang tahanan ng aking kaluluwa;
Pilipinas, Pilipinas, Pilipinas,
Mabuhay ka!

(Ulitin ang Chorus 1 at 2, 2X)

Pilipinas, Pilipinas,
Mahal kita!
Pilipinas, Pilipinas,
Mabuhay ka!
Pilipinas, Pilipinas,
Mahal kita!
Pilipinas, Pilipinas,
Mabuhay ka!
Pilipinas, Pilipinas,
Mahal kita!





*HIMIG NG PAGPUPUGAY SA KABAYANIHAN*

Sa puso mo ay matimyas mong dinala
Ang pangalan ng ating Mutyang Bayan
Sa pamamagitan ng iyong angking kakayahan
Ibinandila mo ang ating lahing pinagmulan.

Refrain:
Pagdamutan mo itong
Handog ko sa iyo
Na himig ng pagpupugay
Sa kabayanihan mo.



Chorus:
Kababayan ko, salamat sa iyo
Sa pagbabahagi mo ng iyong buhay
Para makapagbigay-karangalan sa
Ating bansang Pilipinas;
Sa pagpapakita mo sa buong mundo
Ng kahusayan ng Pilipino
Kababayan ko, Mabuhay ka!
At salamat sa'yo.

Ang tulad mo ay larawan ng kahulugan
Ng pag-ibig sa ating Sintang Bayan;
Sa inspirasyon na magiting mong iwinagayway
Ipinadama mong ang sarap maging Pilipino.

(Ulitin ang Refrain at Chorus)

Bridge:
Ang Perlas ng Silanganan ay makulay na nagniningning
At ang Lipi ng Ginintuang Dugo
Ay magiliw na nagbubunyi
Na may himig ng pagpupugay sa kabayanihan mo
Kababayan ko, kababayan ko...

(Ulitin ang Chorus)

Kababayan ko, mabuhay ka
At salamat sa'yo.

No comments:

Post a Comment