Monday, August 24, 2015

LOVE AND HONOR THY MOTHER by Augusto F. Monsayac

From the very moment she knew
She's already pregnant with you
With a blissful heart, she promised to do
Her best in taking good care of you.

While you were developing in her blessed womb
She sacrificed everything, gave her all to be sure
In providing the nutrients you needed to consume
For you to be truly healthy and strong.

For several months, she proudly carried you inside her;
She cherished every second of your being together;
Despite the discomforts that she did encounter
She managed to nourish you with care beyond compare.

When the glorious day she waited for had, finally, arrived
For you to be born, to breathe your own life
She risked her own self and left her fate to God;
Didn't mind to face death, just for you to be alive.

So, as my precious child, I inspire you to strive
To be extremely generous in expressing your love
To the very first person in your world and life
Who happens to be my amazing, gorgeous wife.

And, as her honored husband, as your grateful father
I encourage you to show your utmost respect to her-
The wonderful woman chosen by the  Maker
To be thy beloved, one and only mother.

Wednesday, August 19, 2015

WIKANG FILIPINO: WIKA NG PILIPINO ni Augusto F. Monsayac

Ako ay Pilipinong may mga karapatan
Na dapat ipahayag at dapat ipaglaban
Ang aking sandata sa pakikipagtagisan
Ay wikang Filipino- ang wika ng matapang.

Ako ay Pilipinong may mga adhikain
Sa aking isipan ay may wagas na layunin
Ang kasangkapan ko sa pagbunyag ng mithiin
Ay wikang Filipino - wika ng may hangarin.

Ako ay Pilipinong sa puso ay may pintig
Sa aking kaluluwa'y may himnong humihimig
Ang aking instrumento sa pag-awit ng tinig
Ay wikang Filipino- ang wika ng pag-ibig.

Ako ay Pilipino, Pilipinong may laya
May layang lumipad tulad ni Haring Agila
Ang tangan kong pluma sa pagkampay ng diwa
Ay wikang Filipino- ang wika ng malaya.

Ako ay Pilipino, ikaw ay Pilipino
Ang aking karapatan ay ang karapatan mo
Atin ang karapatan na gamitin nang husto
Ang wikang Filipino- wika nang Pilipino.