Thursday, June 29, 2017

*KAYA NG PILIPINAS, KAYA NG PILIPINO* ni Augusto Monsayac

KAYA NG PILIPINAS, KAYA NG PILIPINO
ni Augusto Monsayac



Sa diwa ng bayanihan
Ng gobyerno at ng mga mamamayan
Na may pusong tunay na nagmamalasakit
At handang tumulong nang may katapatan
Talagang magagawa
At totoong makakaya.

Chorus:
Kaya ng Pilipinas
Kaya ng Pilipino
Bumangon at tumindig
Sa sariling mga paa
At kung magtitiwalang ganap
Sa angking kakayahan
Makakaya pang lumipad
Gaya ng agila.

Kung sa ngalan ng pagmamahal
Sa bayan at sa lahing pinagmulan
At magkakaisa at magpapahalagahan
At susuporta nang may disiplina
Talagang magagawa
At totoong makakaya.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Sa gabay at biyaya
Ng Dakilang Manlilikha
Na lubos na nagmamahal
Sa ating bansa
Talagang magagawa
At totoong makakaya.

(Ulitin and Chorus, 3X)

**********
Photo credits to DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Monday, June 26, 2017

*MAMAMATAY KA RIN!* ni Augusto Monsayac




Kahit na imaging gaano  pa kayaman
Nang dahil sa masasamang paraan
Asahan no na darating pa rin ang araw na
Mamamatay ka rin
Mamamatay ka rin!

Kahit na imaging gaano ka pa kasama
Kahit gaano pa kalupit and iyong mga gawa
Asahan mo na darating pa rin ang araw na
Mamamatay ka rin
Mamamatay ka rin!

Chorus:
Kaya habang buhay ka pa
Ay magbago ka na
Making gawi at itigil
At pagsisihan  na
Dahil kahit ano pa and iyong gawin
Mamamatay ka run
Mamamatay ka rin!

Kahit gaano no pa itago
And mga kasalanang pinaggagawa no
Asahan mo na darating pa rin ang araw na
Mamamatay ka rin
Mamamatay ka rin!

(Ulitin ang Chorus)

At 'pag namatay ka nang hindi nagbabago
Hindi nagsisi sa mga kasalanan mo
Siguradong ang kaluluwa mo'y
Mapupunta sa IMPYERNO.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Pero kung ikaw at magbabago
Magsisisi sa mga kasalanan
Gagawin na at mabuti hanggang kamatayan mo
Manampalataya kang ang tungo mo'y
Sa BAGONG PARAISO.

*ANG SULAT NI KAHIRAPAN* ni Augusto Monsayac

O TAO,

WALANG MASAMA sa PAGIGING MAHIRAP. Ang KASALANAN ay ang "PAG-IBIG SA PERA O KAYAMANAN".

"LOVE OF MONEY IS THE ROOT CAUSE OF EVIL". Ang pag-ibig, pagkasakim at pagkagahaman ninyo na magkaroon ng pera o kayamanan sa madali at mabilis na paraan ang siyang tunay na dahilan kung bakit kayo gumagawa ng mga kasamaan- pagnanakaw, pagpatay at iba't ibang krimen - kaya huwag ako ang sisihin ninyo. Huwag ako ang gawin ninyong PALUSOT.

"FIGHT POVERTY" ang sabi ninyo, lalo na ng mga MAPAGPAIMBABAW. Pero hindi ninyo ako kalaban kaya ako ay huwag ninyong kalabanin. Ang talagang kalaban ninyo ay si SATANAS na alam na alam na kapag yumaman kayo ay magiging napakahirap na sa inyo ang mapunta sa LANGIT. Ipinahayag ng PANGINOONG HESUS na "... talagang NAPAKAHIRAP para sa mga MAYAYAMAN ang makapasok sa KAHARIAN NG DIYOS. Mas madali pang dumaan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na makapasok sa KAHARIAN NG DIYOS."

Ipinahayag iyon ni Hesus noong may isang lalaki ang nagtanong sa Kaniya kung ano ang dapat niyang gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan. Sinabi ng lalaki Kay Hesus na sinunod niya ang mga UTOS mula pa sa kaniyang pagkabata. Pero nang marinig niya ang sinabi sa kaniya ni Hesus na "May isang bagay pa ang dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian, at ipamigay mo sa mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa LANGIT. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin." siya ay nanlumo at malungkot na umalis dahil siya ay lubhang napakayaman.

Sa kabila ng pagtupad ng lalaki ng mga KAUTUSAN ay naging napakahirap sa kaniyang sumunod kay Hesus dahil sa kaniyang mga kayamanan. Iyon ay kahit na sinabi rin ni Hesus na kung gagawin ng mayamang lalaki ang Kaniyang ipinagagawa ay magkakaroon din naman siya ng KAYAMANAN SA LANGIT. Pero mas pinili ng lalaki ang kaniyang kayamanan kaysa gawin ang ipinagagawa ni Hesus. Mas pinili niyang paglingkuran ang kaniyang kayaman kaysa sa Panginoon. Pakatandaan ninyo, "Walang alipin na makapaglilingkod sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya and isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin and ikalawa. Hindi kayo makapalilingkod pareho sa Diyos at sa kayamanan.

Ang Diyos ang ibigin ninyo at huwag ang pera at kayamanan. Huwag kayong matakot na mawalan ng kayaman nang dahil sa pagsunod sa Panginoon. Panghawakan ninyo ang Kaniyang sinabi na "Ang sinomang nag-iwan ng kaniyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina,  mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan."

TUSO si Satanas. Ayaw na ayaw niya na makapasok kayo sa kaharian ng Diyos kaya lahat ay ginagawa niya para makasama niya kayo sa DAGAT-DAGATANG APOY. Batid na batid niya na  ang isa sa pinaka kahinaan ng tao ay ang pera at kayamanan kaya ginagamit niya ito upang kayo ay linlangin. Ang paghahangad ninyo ng mariwasa o masaganang buhay ay ginagamit niya upang kayo ay tuksuhin na gumawa ng masama para magkapera, para mabilis na yumaman, at para mapanatili ang pagiging mayaman hanggang sa kayo ay mamatay. Sinisilaw niya kayo ng lahat ng SARAP na naidudulot sa inyo ng pagkakaroon ng maraming pera at kayamanan kaya sa sulsol niya sa inyo na gumawa ng kasamaan ay nagpapahinuhod kayo, dahil ayaw na ninyong maghirap, at dahil sa takot ninyong bumalik sa pagiging mahirap. Wala siyang kapaguran sa trabaho niyang iyon, nag-aapoy ang kaniyang kasipagan, hindi siya nagpapahinga  dahil ang  kita niya sa kaniyang pagtatagumpay ay ang inyong mga KALULUWA na mapunta sa IMPYERNO.

Maging sa Panginoong Hesus ay ginawa ni Satanas ang taktikang ito. "Dinala Siya ng Diyablo sa isang mataas na bundok. Ipinakita sa Kaniya ang lahat ng paghahari sa sanlibutan sa sandaling panahon. Sinabi ng Diyablo sa Kaniya: Ibibigay ko sa Iyo ang lahat ng kapamahalaang ito at ang kanilang kaluwalhatian dahil ibinigay na ito sa akin at ibibigay ko ito sa kung kanino ko naisin. Kung ikaw nga ay sasamba sa akin, ang lahat ng ito ay magiging iyo.
Sinagot siya ni Hesus at sinabi: Lumayo ka Satanas! Ito ay sapagkat nasusulat: Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos at Siya lamang ang iyong paglilingkuran."

Napagtagumpayan ng Panginoong Hesus ang panunukso na iyon ni Satanas sa kabila ng Kaniyang pagiging tao nang mga panahong iyon. Ipinahintulot Niya na Siya ay tuksuhin ng Diyablo sa Kaniyang pagiging tao upang patunayan sa inyo na kayang-kaya din talagang ninyong mga tao na mapagtagumpayang malabanan ang mga tukso ni Satanas. Gaya ng Kaniyang ginawa, ang SALITA NG DIYOS ay NAPAKABISANG PARAAN upang ang mga tukso ni Satanas ay inyong malabanan.

SADYANG NAPAKABUTI NG DIYOS AT WAGAS ANG PAGMAMAHAL NIYA SA INYO BILANG KANYANG MGA ANAK. Ibig na ibig Niya na makapasok kayo sa Kaniyang kaharian, kaya gumawa, gumagawa, at gagawa't gagawa siya ng mga paraan para kayo ay makapiling Niya. Sa katotohanan, ako- si KAHIRAPAN- at maging si KAYAMANAN ay mga kabilang sa mga kaparaanan Niya.

Nasambit noon ng Panginoong Hesus na " Ang mahihirap ay laging ninyong makakasama at maaari kayong tumulong sa kanila kahit anong oras." Kaya huwag ninyong labanan ang KAHIRAPAN dahil kalooban din ng Panginoon ang pagkakaroon ng mga mahihirap sa mundo upang palagi kayong makita ng dahilan para kayo ay gumawa ng mabuti at patuloy na maibahagi ninyong mga tao ang KABUTIHAN na Kaniyang itinanim sa inyong puso noong kayo ay inaanyuan pa lamang Niya. Tumulong kayo nang bukal sa puso upang sa pagtulong ninyo ay maiparamdam ninyo sa inyong kapwa, hindi lang ang saya ng natulungan, kundi lalo't higit ay ang KALIGAYAHAN NG MAKAGAWA NG MABUTI AT MAKATULONG SA KAPWA. Sa gayon, ang inyong pagtulong at paggawa ng mabuti sa kanila ay magbibigay sa kanila ng inspirasyon upang magsikap na gumawa ng mabuti at makatulong din sa iba, sa kabila ng kahirapan.

"Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa kahabag-habag. Kung magkagayon at hindi kayo tatanggap ng gamtimpala sa inyong Ama na nasa langit... Kung mamamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa inyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan."

"Gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na ang mga iyon ay tanggapin naman kayo sa TAHANANG WALANG HANGGAN." "Ibigin mo ang iyong kapwa nang gaya sa iyong sarili." Bigyan ninyo ng makakain ang mga nagugutom at maiinom ang mga nauuhaw. Patuluyin ninyo ang mga taga-ibang bayan, damitan ang mga hubad, dalawin ang mga may sakit at bilanggo. Ginawa ninyo sa HARI ang anomang ginawa ninyo para sa isa sa pinakamaliit niyang kapatid.

"Ang mga matuwid ay sa buhay na walang hanggan."


Nagmamalasakit,


Sunday, June 25, 2017

*KITANG MARANGAL* ni Augusto Monsayac

Awit ng PAGPUPUGAY sa mga NAGSISIKAP KUMITA NANG MARANGAL sa kabila ng KAHIRAPAN.



*KITANG MARANGAL*
ni Augusto Monsayac

Sa ngalan ng kita
Kitang marangal...

'Di alintana ang pagod at hirap
Puso ay puno ng pagsisikap
Na maipakita ang halaga
Ng buhay na kumikita
Sa mabuting paraan
Lalo't para sa mga mahal sa buhay
Na mahalagang inspirasyong tunay
Para kumita
Ng kitang marangal.

Para kumita
Ng kitang marangal...

Ginagamit ang lakas at kakayahan
Sa pagtatrabaho nang may katapatan
At nang may pag-asang
Makakamtan ang bunga ng kasipagang
Lalasapin nang buong sarap
At nang may maligayang pasasalamat
Sa Dakilang Panginoong Maykapal
Dahil kumita
Ng kitang marangal.

Dahil kumita
Ng kitang marangal...

Taglay sa puso ang mga ngiti
Ng isang may dignidad sa sariling
Sinasabuhay ang kahalagahang tunay
Ng pinaghirapang kita
Kitang marangal...
Kitang marangal...
Kitang marangal.



Monday, June 5, 2017

*THE GOLDEN MESSAGE* by Augusto Flameño Monsayac



I believe, I believe, I believe,
yeah, yeah yeah yeah
I believe, I believe, I believe that...

The complexion and appearance of identity
The uniqueness of individuality
Shall not be a hindrance
To the liberty of anyone
To enjoy and celebrate life
As a peace-loving citizen of the world.

Refrain:
So when you see in me the tendency
Of mocking the divineness of equality
My friend, kindly do care
To remind me of the golden message...

Chorus:
(That) No one has the right to descriminate
Nothing should be a reason for inequality
Every human being is a dear child of Mother Earth
And precious in the eyes of the Creator of the universe.

I believe, I believe, I believe,
yeah, yeah yeah yeah
I believe, I believe, I believe that..

Gender, age, civil status, living quality,
Culture, religion, language and nationality
Shall not be a limit
To the privilege of anyone
To share skills and talents
As a meaningful citizen of the world.

(Repeat Refrain abd Chorus)

I believe, I believe, I believe,
yeah, yeah yeah yeah
I believe, I believe, I believe
In the golden message...

(Repeat Chorus, 2X)