Wednesday, February 28, 2018

HAYOP KA!!! ni Augusto F. Monsayac



Wangis mo'y ALITAPTAP sa gabing madilim
Tanging liwanag ko'y ang iyong pag-ibig;
Ikaw ang MARIPOSA sa aking panaginip
Na naglilipad sa'kin patungong langit.

Sa aking tenga ay tila ka BUBUYOG
Halakhak at tinig mo'y laging umuugong;
At ikaw ang KULIGLIG na siyang bumulabog
Sa'king damdaming matagal nang natutulog.

Chorus:
HAYOP KA, oh, giliw, HAYOP ka, aking sinta
Hayop na hayop sa rilag at ganda
At kahit na nga ba insekto ang iyong kapara
Pinakamaganda ka sa balat ng lupa.

Para kang GARAPATAng nakakapit sa aso
'Di ka maalis-alis sa aking ulo;
HANIP sa mga manok ang siyang katulad mo
Isip ko'y nangangati sa kaiisip sa'yo.

Animo'y ANAY kang gumawa ng bukbok
Dito sa dibdib ko at saka pumasok
At ikaw ang tangi at nag-iisang SUROT
Na dito sa puso ko'y laging nakasuksok.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Ikaw ang PUTAKTIng gusto kong sa'kin ay kumagat;
IPIS na sa'kin ay nais kong gumapang;
LANGAW na ibig kong makasalo sa hapag;
LAMOK na hangad kong makapiling sa magdamag.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Insekto
Balat ng lupa.

SA MARANGAL NA PARAAN ni Augusto F. Monsayac



Kahit na mahirap
Okey lang
Ang mahalaga'y naghahanapbuhay
Nang marangal
At kahit 'di gaano malaki ang kita
Ay ayos lang
Basta't ito'y nanggaling
Sa mabuting paraan.

Refrain:
Di naman kailangan
Na kumapit pa sa patalim
Para lang makamtan
Ang buhay na pangarap natin
Ang dapat ay sipag, tiyaga't
Taos na pananampalataya
Na sa biyaya ng Diyos
Tayo rin ay giginhawa
Sa tamang paraan
Sa mabuting paraan
Sa marangal na paraan
Sa tamang paraan
Sa mabuting paraan
Sa marangal na paraan.

Chorus:
Dahil mas masarap ang kain,
Ang tulog, ang gising
Ng taong naghahanapbuhay
Nang marangal
At mas may kapayapaan
Sa puso at isip
Ang taong nagsisikap na kumita
Sa tamang paraan
Sa mabuting paraan
Sa marangal na paraan
Sa tamang paraan
Sa mabuting paraan
Sa marangal na paraan.

(Ulitin ang I at Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)

Tuesday, February 27, 2018

I MISS YOU by Augusto F. Monsayac



Since the day your destiny
Of living life here on earth ended
The pain of losing you
Was born in my heart.

And in each passing hour
The loneliness of your being gone
Sinks deeper and deeper
Into my soul.

But your undying love
Serves as my superpower
To face my fate with enduring faith
To our dear Creator
To whom I am breathing this prayer
Of letting you know...

Chorus:
That I miss you
O, I miss you so
And I long to hug you
And hear your voice
Even just for a second
O, I miss you
I miss you.

(Repeat Chorus)

PARA SA'YO, AKING ANAK ni Augusto F. Monsayac




Ikaw ay pagpapala
Sa akin ng Dakilang Maykapal;
Ikaw ay napakahalaga sa aking buhay;
Kayamanan kong pinakatatangi
Walang kapantay, walang kapalit.

CHORUS:
Kaya, para sa'yo, aking anak
Lahat ay aking gagawin
Upang maipadama sa'yo
Ang wagas na pag-ibig;
Para sa'yo, aking anak
Ibibigay ko ang lahat
Ng aking makakaya
Nang maging karapatdapat sa iyo.

Ikaw ay aking buhay;
Bukal ka ng kaligayahan ko;
Ikaw ay tagapaghatid
Ng pag-asa sa aking puso;
Liwanag ka ng aking kaligayahan;
Langit kong dahilan upang ako'y ngumiti.

(Ulitin ang Chorus)

BRIDGE:
Laman ka ng aking laman;
Dugo ka ng aking dugo.
Whoooohhhh.....

(Ulitin ang Chorus, maliban sa huling salita)
(Ulitin ang Chorus)

Aking anak.

Monday, February 19, 2018

LOVE KNOWS by Augusto Flameño Monsayac



Love knows no color;
Love knows no race;
Love knows no gender;
Love knows no age.

Love knows no religion;
Love knows no divisions;
But love knows equality
And love knows humanity.

Wednesday, February 14, 2018

MAGKALAYO SA ARAW NG MGA PUSO ni Augusto F. Monsayac



Tayo man ay magkalayo
Sa Araw ng mga Puso
Magkapiling pa rin tayo
Sa diwa at espiritu.

Sa pamamagitan nitong tula
Ibig ko sa iyong maipabatid na
Sa akin, ika'y napakahalaga,
Natatangi at walang kapara.

Sa pamamagitan ng simoy ng hangin
Buong lambing ko sa'yo ipinararating
Mga yakap kong kayhigpit
Mga halik kong kaytamis.

Sa pamamagitan ng mga dasal
Para sa'yong kaligayahan
Sa'yo'y aking ipinaparamdam
Ang wagas kong pagmamahal.