Friday, July 6, 2018

GILAS PILIPINAS, YOU ARE SORRY BUT WE THANK YOU by Augusto Flameño Monsayac


GILAS PILIPINAS,

BASKETBALL is your SPORT, but you also PLAY the 'GAME OF LIFE'. You PLAY for PHILIPPINES' PRIDE but you FIGHT for 'HUMAN DIGNITY' as well.

THANK YOU, for INSPIRING the YOUTH that "NO TYPE of BULLYING has a PLACE on EARTH, and it should NEVER be ALLOWED to DISGUISE, even in the FIELD of SPORTS." THANK YOU for INSTILLING in their HEARTS that "DEFENDING HUMAN DIGNITY is MORE SIGNIFICANT than SHOWING PROFESSIONALISM, more especially if you are BEING BULLIED by others in your OWN HOME."  THANK YOU for INCULCATING in their SOULS that "DESPITE ALL DIFFERENCES, WHICHEVER COUNTRY YOU MAY COME FROM, and WHEREVER YOU MAY BE, RESPECT BEGETS RESPECT ALL THE TIME."

THANK YOU for HONORING your BELOVED SPORTS by MAKING it an INSTRUMENT in ECHOING to the WHOLE WORLD that "NO PERSON from ANY NATIONALITY was given by the ALMIGHTY CREATOR the PRIVILEGE to DISCRIMINATE ANYONE in ANY PART of the UNIVERSE". THANK YOU for MAKING the OFFENSE of HITTING a GOLDEN SHOT to POINT that "NO ONE SHOULD TAKE ADVANTAGE OF SOMEONE'S WARM HOSPITALITY and GREAT SPORTSMANSHIP as an ALIBI in THROWING INSULTS and PROMOTING RACISM." THANK YOU for SACRIFICING YOUR CAREERS, REPUTATIONS and LIVES in RESOUNDING to the ENTIRE
HUMANITY that "NO SKIN COLOR and NO PHYSICAL FEATURE can make us MORE or LESS HUMAN."

THANK YOU for your BEING NATURAL HUMAN BEING.



*PARA SA PILIPINAS, PARA SA PILIPINO*
ni Augusto Flameño Monsayac

Nag-aalab ang pag-asa
Tuon ay sa ginintuang pangarap;
Masigasig at determinado
Na makamtan ang minimithing tagumpay.

Refrain:
Ginagawa lahat, ibinibigay lahat
Nagkakaisa sa pakikipagtagisan
Ang katawan, espiritu't kaluluwa.

Chorus:
Para sa Bayan ng lahing Pilipino
Magilas na lumalaban
Taglay ang galing na dinalisay ng dugo;
Para sa Pilipinas, Para sa Pilipino
Sa ngalan ng dangal ng Bayan
Nakikipagtunggali nang magiting ang puso.

Maningas ang katapangan
Matibay ang pananampalataya
At tiwala sa sarili
Na makakaya maging ang imposible.

(Ulitin ang Chorus)
(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)



Wednesday, July 4, 2018

"PANGIT"

Natatandaan mo ba kung sino ang pinakaunang tao na sinabihan o tinukoy mo na "PANGIT"? Naalala mo ba ang araw na iyon na nilait mo ang kaniyang anyo? Natatandaan mo ba kung gaano kalakas ang halakhak mo nung pinagtawanan mo ang kaniyang hitsura? Nabibilang mo ba lahat ng sinabihan, nilait at pinagtawanan mo na " PANGIT" para sa iyo.

Alam na alam ko, HINDI. Dahil bale wala lang sa iyo ang makapanakit ka ng damdamin ng itinuturing mong ganoon. Dahil wala kang pakialam.

Pero ako, tandang-tanda ko lahat. Maging ang mga itinuturing mong "PANGIT" sa isip mo at lihim mong nilalait sa iyong puso ay kilala Ko. Oo, kilalang-kilala Ko silang lahat, kilalang-kilala Ko ang bawat isa sa kanila dahil Ako ang lumikha sa kanila.

Sa tuwing sinasabi mong "PANGIT" ang iyong kapwa, Ako ang sinasabihan mo noon dahil nilikha Ko sila nang ayon sa Aking wangis. Ang mga panlalait at pagtatawa mo sa kanila ay sa Akin mo ginagawa dahil Ako ang kanilang Manlilikha. Ako, ang Manlilikha na siya ring lumikha sa iyo nang ayon din sa aking wangis.

Nang ayon sa Aking wangis, buong kaligayahan Kong inanyuan ang bawat isa sa inyo sa sinapupunan ng inyu-inyong mga sariling ina. Gamit ang Aking kapangyarihan at karunungan, ay maingat Kong binuo ang bawat bahagi ng inyong katawan. Magkakaiba man ang hitsura, anyo at kulay na inyong nakikita, lahat kayo ay Aking binigyang-buhay nang may wagas na pagmamahal. At, mahal na mahal ko ang bawat isa sa inyo.

Kaya, higit sa sakit na dulot ng panlalait, pagtatawa, pagsasabi at paglalarawan mo ng "PANGIT" sa iyong kapwa, ay labis na kalungkutan ang hatid nito sa Akin dahil patunay ito na hindi mo alam ang kahulugan ng tunay na kagandahan.

Kaya sa susunod na maisipan mo ulit laitin at pagtawanan ang anyo ng iyong kapwa, at bago mo siya sabihan ng "PANGIT", alalahanin mo Ako na Lumikha sa kaniya, na Siya ring Lumikha sa iyo.