*AKALA NILA*
Akala nila
Komo't hindi ka kumikita ng pera
Sa iyong mga likha
Ay wala iyong halaga;
Akala nila
Komo't hindi ka ka-successful gaya ng iba
Ay wala ka nang kwenta.
Ang hindi nila alam
Ay napakalaking bahagi iyan
Ng kabuluhan ng iyong buhay;
Ang hindi nila alam
Ay isa yan sa pinakadahilan
Kung bakit Kita nilikha.
Ang hindi nila nadarama
Ay ang iyong kaligayahan
Sa tuwing ginagawa mo ang mga iyon;
Ang hindi nila nakikita
Ay ang kabutihang ibig mong ibahagi
Sa pamamagitan ng iyong mga gawa.
Ang hindi nila naririnig
Ay ang mga lihim na pasasalamat ng iba
Na naisagawa ang mga iyon;
Ang hindi nila pinapanghawakan
Ay ang katauhan ng iba
Na nabigyan mong inspirasyon dahil doon.
Hayaan mo sila
Sa kanilang mga maling akala.
Hayaan mo sila
Sa kanilang mga pagtatawa.
Hayaan mo sila
sa kanilang mga sabi-sabi
Na walang nagkakagusto ng iyong mga ginagawa.
Dahil, AKO,
AKO, na nagkaloob ng iyong talento
Ang siyang nagtitiwala sa iyo;
Dahil AKO,
AKO, na nagbigay ng iyong kakayahan
Ay patuloy na naliligayahan
Na gawin kang Aking instrumento
Sa paglikha ng mga iyon.
At sa iyong pagpanaw,
AKO, na iyong DAKILANG MANLILIKHA
Ang bahala sa iyong kaluluwa.
No comments:
Post a Comment