Thursday, January 25, 2018

MAKAKARAOS DIN TAYO ni Augusto Monsayac


Tila ba mga problema
Ay sunud-sunod sa pagdating
Mga pagsubok ay wari bang
Walang katapusan
Ikaw ba'y napapagod na't
Gusto mo nang sumuko
Pakinggan mo muna 'tong awit kong 'to
Na hinihimig ko para sa'yo.

Chorus:
Alam ng Diyos ang ating pinagdadaanan
Batid Niya ang lahat ng ating pangangailangan
Kapit lang nang mahigpit sa Kanya
Manampalataya kang
Darating din ang araw na
Makakaraos din tayo
Makakaraos din tayo.

Animo ba gumuguho na
Ang iyong pag-asa
At takot na mabuhay pa'y
Gumugulo sa'yo
Di alam ang gagawin
Di alam kung saan tutungo
Pakinggan mo muna 'tong awit kong 'to
Na hinihimig ko para sa'yo.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Makakaraos din tayo
Makakaraos din tayo.

No comments:

Post a Comment