Tuesday, January 30, 2018

MAHAL KONG LINDZ


Sa bawat pagtulog, sa bawat paggising
May pasasalamat sa aking bawat dalangin
Na, ang Panginoon, ipinagkaloob ka sa akin
Bilang kabiyak na sa habambuhay makapiling.

Sa bawat araw ng ating pagsasama
Itong aking puso'y puspos ng ligaya
Na sa kabila ng lahat na pagsubok at problema
Nananatiling matatag ang ating pamilya.

Aminado akong marami akong pagkukulang
Bilang haligi nitong ating tahanan
Subalit ang mga ito'y iyong tinutugunan
Ng ilaw ng iyong pagkalinga't pagmamahal.

Sa iyong pagiging ina, ako sa'yo'y saludo
Isang kang maybahay na talagang dapat irespeto
Kaya iyong tanggapin itong pasasalamat ko sa'yo
Nang may buong pag-ibig mula sa aking puso.















No comments:

Post a Comment