Ang sarap alalahanin
Ang mga sandali
Ng paglingap, ng pagmamahal
Sa akin ni Nanay.
Ang saya nitong damdamin
Sa tuwing sasagi sa aking isip
Ang mga panahon ng kagalakan
At pagngiti ni Nanay.
Chorus:
Kaya kung mayroon man
Akong mahihiling
Na ibig kong ipagkaloob ng Langit
Ito'y ang mga pagkakataon pa
Ng mga oras na lipos ng ligaya
Kasama ang Nanay
Kasama ang Nanay.
Kaypalad ng katulad ko
Na ako ay nakatagpo
Ng isang dakilang ina
Sa katauhan ni Nanay.
Talagang wala nang papalit
Sa tanging init ng pag-ibig
Na taglay ng magiliw na haplos
At tinig ni Nanay.
(Ulitin ang Chorus)
Bridge:
Upang akin pang maipadama sa kanya
Ang pag-ibig ng isang anak sa kanyang ina.
(Ulitin ang Chorus)
Kasama ang Nanay
Kasama ang Nanay.
Kasama ang Nanay
Kasama ang Nanay.