Saturday, March 10, 2018

LABAN LANG ni Augusto F. Monsayac



Wag mabigo sa kabiguan
Wag magpatalo sa pagkatalo
Kahit na bagsak ay iangat pa rin ang sarili
Nang may nag-aaalab na pag-asa.

Wag sumuko sa mga pagsubok
Wag bumitiw sa iyong mga pangarap
Kahit gaano kahirap, ikaw ay magtiwala
Na kayang-kaya mo
Kaya laban lang.

Chorus:
Laban lang nang laban sa buhay
Wag mawalan ng pananampalataya
Makakamtan mo rin ang iyong tagumpay
Laban lang (Laban lang).

(Ulitin ang I & II)
(Ulitin ang Chorus, 2X)

No comments:

Post a Comment