Sa wakas, heto na
Ang araw na aking pinakahihintay
Nakamtan ko na rin
Ang katunayan ng pamana mo sa akin.
Refrain:
Nag-uumapaw ang galak
Sa aking dibdib
May pasasalamat ang aking tinig
Sa pagsasabing...
Chorus:
Ang DIPLOMA kong ito
Ay alay ko sa'yo
Nang buong puso
Ang DIPLOMA kong ito
Ay handog ko sa'yo
Nang buong puso
Nang buong puso.
Sa wakas, heto na
Ang sandaling aking pinakaaasam
Na sa'yo'y aking maawit
Ang himig nang pagpupugay
Sa'yong pagpupunyagi.
(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus maliban sa huling linya)
(Ulitin ang Chorus)
No comments:
Post a Comment