*BAKIT SA SABSABAN?*
ni Augusto Monsayac
Noong isilang ang Panginoong Jesus, ganoon nga ba talaga katigas ang puso ng mga may-ari ng mga "bahay-panuluyan" at ng mga taong nakatuloy sa mga iyon nang araw na iyon, na WALA man lang nagbigay ng lugar para sa kanila, kung saan Siya maaaring "IHIGA"?
Ganoon ba kawalang silbi si Jose na hindi man lang siya nakapaghanda at nakagawa ng paraan na sa mas maayos na lugar ang maging panganganak ng kaniyang pinakamamahal na asawa sa sanggol na ipinagkatiwala sa kaniya ng Diyos? Ganoon ba kawalang kwentang ina si Maria na sa isang "SABSABAN" lang niya inihiga ang kaniyang panganay na anak, na isang sanggol na lalaki na binalot niya sa lampin?
Ganoon ba kawalang pakialam ang Makapangyarihang Diyos Ama na binayaan Niya na sa isang sabsaban lamang ihiga ni Maria ang Kaniyang "Bugtong na Anak"? Bakit hindi Niya siya pinigilan, gaya ng pagpigil Niya kay Abraham sa pagpatay kay Isaac? Bakit hindi Siya nagsugo ng Kaniyang anghel para pagbawalan si Maria na ihiga "ang sanggol" sa isang sabsaban gayong ginawa naman Niyang magsugo ng anghel sa kaniya para ibalita ang kaniyang pagdadalantao kahit siya ay birhen pa, at sa pagbabalita ng anghel sa mga pastol na "isinilang na ang Tagapagligtas, ang Cristo na Siyang Panginoon"?
Bakit nga ba sa "SABSABAN" "INIHIGA" si "JESUS" noong Siya ay isilang? Ano ang dahilan?
SA halip na sa bahay-panuluyan, kung saan mas maayos, malinis at komportable, inihiga sa sabsaban ang Panginoong Jesus dahil MINABUTI Niya na mahiga sa isang SABSABAN- lugar-pakainan ng mga hayop, marumi, makati, dahil TAYO, ang SANLIBUTAN, ang SABSABAN na iyon. "Hinubad Niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos", "nagkatawang-tao" Siya para ganap na iparamdam na "Sumasaatin ang Diyos" na siyang kahulugan ng Kaniyang pangalang "Emmanuel". Sa kabila ng ating pagiging makasalanan (marumi, makati) inibig pa rin Niyang "mahiga" sa atin, "pakisamahan" tayo, "makapiling" tayo at "mamuhay" kasama ng mga tao para ipahayag sa atin kung gaano tayo kahalaga sa Kaniya. Bagamat Siya ang "Hari ng mga hari" at "Panginoon ng mga Panginoon", buong kapakumbabaan niyang niloob na Siya ay "ihiga" sa isang sabsaban sa pinakaunang mga oras pa lang ng Kaniyang pagiging tao para ipadama ang Kaniyang wagas na pagmamahal sa buong sanlibutan.
TAYO ang SABSABAN.
(Photo credit to the owner.)
Monday, December 17, 2018
*ANG PAG-UUSAP NINA "CHRISTMAS TREE" AT "SANTA CLAUS" ni Augusto Flameño Monsayac
*ANG PAG-UUSAP NINA "CHRISTMAS TREE" AT "SANTA CLAUS"*
ni Augusto Monsayac
CHRISTMAS TREE:
Santa Claus, ramdam mo rin ba ang pakiramdam ko?
SANTA CLAUS:
Oo, Christmas Tree. Nakakalungkot na tayo ang mas binibigyang importansiya at binubuhusan ng oras na pagkaabalahang idisplay ng mga tao sa buong mundo tuwing sasapit ang pagdiriwang nila ng tinatawag nilang "CHRISTMAS o PASKO".
CHRISTMAS TREE:
Kaya nga. Sa halip na "SABSABAN" ang idisplay nila, dahil ito naman talaga ang TUNAY na may kaugnayan sa PAGSILANG sa PANGINOONG JESUS dahil sa "SABSABAN" Siya inihiga ng Kaniyang mahal na ina noong araw na iyon dahil wala nang lugar para sa kanila sa panuluyan, tayo ang ipinapalit nila at pilit nilang ginagawang "Christmas decorations" at ginagawang mga BIDA at "CENTER OF ATTRACTION" sa kanilang mga tahanan at kung saan-saan pang lugar, gayong wala naman talaga tayong kahit anomang significance o kaugnayan sa pagkapanganak kay JESUS.
SANTA CLAUS:
Sinabi mo pa. Para sa kanila kasi, hindi daw "SOSYAL" na idisplay ang "SABSABAN", marumi at makati kasi, hindi magandang tingnan, hindi kasi makulay at hindi nakakaaliw pagmasdan kaya hindi bagay sa magagara nilang mga bahay.
CHRISTMAS TREE:
Lalo na sa mga pook-pasyalan, mall at mga opisina. Pati na rin nga sa ibang mga simbahan. Aba eh, pagkalalaki at pagkatataas ng mga ginagawang nilang gaya ko, Pinapakulay, pinapaganda at pinapailawan pa ako nang husto. At dadagdagan pa ng kung anu-anong palamuti. Kani-kaniya silang design. Ako pa ang ginagawa nilang hudyat ng pagsapit ng Pasko sa tinatawag nilang "Christmas Tree Lighting". Tapos, abot sila papicture sa akin. Tuwang-tuwa sila. Pati sa bahay nga ng maraming mahihirap, pinipilit pa rin na tayo ang idisplay para naman daw, at least, magmukhang mayaman. Sinasamantala naman ito ng mga negosyante kasi nga naman katumbas nito ay malaking kita para sa kanila.
SANTA CLAUS:
Ako naman, ginawa na nilang Diyos dahil sabi sa Christmas song nila patungkol sa akin, "He knows when you are sleeping, He knows when you're awake, He knows if you've been bad or good", gayong gawa-gawa lang din naman ako ng mga kwento-kwento nila. Tapos, ako din ang ginawagawa nilang simbolo ng "PAGBIBIGAY" eh ang KATOTOHANAN, ang PANGINOONG JESUS" ang TUNAY na PINAKAMAGANDANG HALIMBAWA ng pagbibigay dahil mismong SARILI Niya ang INIHANDOG Niya sa SANLIBUTAN.
CHRISTMAS TREE:
Biruin mo, sa LABIS na PAGMAMAHAL ng PANGINOON sa sanlibutan, "HINUBAD NIYA ANG LAHAT NG KATANGIAN NG PAGKA-DIYOS", "NAGKATAWANG-TAO" Siya para lang iparamdam sa mga tao na "KASAMA nila ang DIYOS".
SANTA CLAUS:
Na kaya Niya MINARAPAT na Siya ay "IHIGA" sa "SABSABAN" noong Siya ay isilang ay para iparamdam sa mga tao kung gaano Siya HANDANG MAGPAKABABA para lang MAIPADAMA Niya ang WAGAS NIYANG PAGMAMAHAL sa SANGKATAUHAN at sa BUONG SANLIBUTAN.
CHRISTMAS TREE:
Iyan ang NAGLILIWANAG NA KATOTOHANAN na pilit na nais "PAGTAKPAN" ni SATANAS kaya ginagamit niya tayong kasangkapan para ILIHIS ang mga tao sa katotohanang iyon. NILALASON niya ang isip ng mga tao para gumawa ng kung anu-anong mga kwento at paraan para MABULAGAN ang mga tao.
SANTA CLAUS:
Wala namang masama kung "SABSABAN"' Ang ididisplay nila. Mabuti na lang, na may ilan pa ring NALILIWANAGAN at NALIWANAGAN na ng KATOTOHANAN, gaya ng LIWANAG ng TALA na NANGUNA sa mga PANTAS at ng MABUTING BALITA ng ANGEL sa mga PASTOL.
CHRISTMAS TREE:
Oo nga. At umaasa ako, na darating ang panahon na mawawala na tayo sa mundo, na sa tuwing ipagdiriwang nila ang araw ng KAPANGANAKAN ng PANGINOONG JESUS, ay hindi na tayo ang gagawin nilang Christmas decorations. Sa halip, "SABSABAN" na ang maligaya at maluwalhati nilang ididisplay dahil SILA MISMO, ang SANGLIBUTAN, ang "SABSABAN", na sa kabila ng kanilang pagiging "MAKASALANAN" - "MARUMI", "MAKATI", ay "MINABUTI" at "INIBIG" pa ring "PAKISAMAHAN", "PAMUHAYAN" at "MAKAPILING ng PANGINOONG HESUS bilang tao sa loob ng 33 taon para sila ay Kaniyang ILIGTAS, at "IBIGAY" ang KANIYANG SARILI dahil sa WAGAS na PAG-IBIG ng DIYOS sa SANLIBUTAN.
SANTA CLAUS:
Ganyan din ang Christmas wish ko.
Saturday, December 8, 2018
*PARA SA'YO, MAHAL KONG ANAK* ni Augusto Flameño Monsayac
*PARA SA'YO, MAHAL KONG ANAK*
ni Augusto Flameño Monsayac
( Ago Monsayac )
Ilang beses man akong nabigo
Heto pa rin ako
Hindi tumitigil,
Hindi sumusuko
Hawak pa rin ang pag-asa
Na balang araw ay magkatotoo
Ang aking pangarap.
Chorus:
Para sa'yo, patuloy akong nangangarap;
Para sa'yo, patuloy akong lumalaban
Sa mga hamon ng buhay
Na kahit na gaano pa kahirap
Ang aking pinagdadaanan
Na kahit na wala nang lakas
Ay pipilitin pang gumapang
Makamtan lang ang aking pangarap
Para sa'yo, mahal kong anak.
Limitado man ang kakayahan
Heto pa rin ako
Nagsisikap gumawa
Ng mga paraan
Para isakatuparan
Sa marangal na paraan
Ang pangarap ko
Para sa'yo.
(Ulitin ang Chorus, 2X)
Friday, December 7, 2018
*KAHIT NA MATABA KA, MAHAL NA MAHAL KITA ni Augusto Flameño Monsayac
*KAHIT NA MATABA KA,
MAHAL NA MAHAL KITA*
ni: Augusto Flameño Monsayac
( Ago Monsayac )
Mahal ko,
Hindi dapat na malungkot ka
Dahil lang bilbil mo'y lawlaw na
At kahit pa
Palapad nang palapad ang iyong katawan.
Mahal ko,
Kahit na bigat mo'y nadadagdagan
Wala pa ring taba ang makakagawa
Na matakpan ang katangian mong tinataglay.
Refrain:
Mahal na mahal na mahal kita
Kahit na mataba ka.
Chorus:
Kahit na mataba ka, mataba ka, mataba ka
Kahit na mataba ka, mahal na mahal kita;
Kahit na mataba ka, mataba ka, mataba ka
Kahit na mataba ka, mahal na Mahal kita.
Mahal ko,
Kahit na sinlaki mo da'y aparador
Wala pa ring makapipigil sa akin
Na ikulong ka
Sa higpit ng malambing kong mga yakap.
Mahal ko,
Kahit na nagmamantika daw balat mo
Hindi pa rin nito ako mapahihinto
Na hagkan ka
At ipadama ang init ng aking pag-ibig.
(Ulitin ang Refrain at Chorus 1)
Bridge:
Mahal ko,
Kung kailanganin mo na
Magbawas ng timbang
Para sa'yong magandang kalusugan
Narito ako para ikaw ay tulungan
At mapatunayan sa'yo na kahit na...
Chorus 2:
Mapayat o mataba ka, mataba ka, mataba ka
Mapayat o mataba ka, mahal na mahal kita;
Mapayat o mataba ka, mataba ka, mataba ka
Mapayat o mataba ka, mahal na Mahal kita.
(Ulitin ang Chorus 2)
Mahal ko.
#KahitNaMatabaKaMahalNaMahalKita
SIGE LANG, TULOY LANG, KAIBIGAN ni Augusto Flameño Monsayac
*SIGE LANG, TULOY LANG, KAIBIGAN*
ni: Augusto Flameño Monsayac
( Ago Monsayac )
'Wag kang matakot
Na baka ikaw ay mabigo lamang;
'Wag mong isipin
Kung ano ang sasabihin ng iba.
Ang mahalaga'y gumagawa ka ng paraan
Para lumaban nang patas sa buhay
Kaya, sige lang, tuloy lang,
Kaibigan.
Chorus:
'Di mo malalaman kung 'di mo susubukan;
Walang mangyayari kung 'di mo gagawin
Malay mo naman, iyan pala
Ang sa'yo ay magdadala
Tungo sa katuparan ng iyong mga pangarap
Kaya, sige lang, tuloy lang,
Kaibigan.
Manampalataya kang
Tutulungan ka ng Dakilang Manlilikha;
Magtiwala ka
Sa kakayahan mo na Kaniyang ibinigay.
Umaawit sa'yong puso ang buhay na pag-asa
Na "Kaya mo 'yan at magtatagumpay ka."
Kaya sige lang, tuloy lang,
Kaibigan.
(Ulitin ang Chorus)
Bridge:
'Wag kang papigil sa pangit mong nakaraan
Sa mga pagkakali mo't mga kasalanan
Bawat oras ay pagkakataon
Para magbagong-buhay
Para hanapin, ganapin
Ang kabuluhan ng buhay
Kaya, sige lang, tuloy lang,
Kaibigan.
(Ulitin ang Chorus, maliban sa huling salita)
(Ulitin ang Chorus)
"Sige, sige lang, tuloy lang,
Kaibigan.
Thursday, December 6, 2018
PARA SA'YO, MAHAL KONG ANAK ni Augusto Flameño Monsayac
*PARA SA'YO, MAHAL KONG ANAK*
ni Augusto Flameño Monsayac
( Ago Monsayac )
Ilang beses man akong nabigo
Heto pa rin ako
Hindi tumitigil,
Hindi sumusuko
Hawak pa rin ang pag-asa
Na balang araw ay magkatotoo
Ang aking pangarap.
Chorus:
Para sa'yo, patuloy akong nangangarap;
Para sa'yo, patuloy akong lumalaban
Sa mga hamon ng buhay
Na kahit na gaano pa kahirap
Ang aking pinagdadaanan
Na kahit na wala nang lakas
Ay pipilitin pang gumapang
Makamtan lang ang aking pangarap
Para sa'yo, mahal kong anak.
Limitado man ang kakayahan
Heto pa rin ako
Nagsisikap gumawa
Ng mga paraan
Para isakatuparan
Sa marangal na paraan
Ang pangarap ko
Para sa'yo.
(Ulitin ang Chorus, 2X)
Subscribe to:
Posts (Atom)