Monday, December 17, 2018

*ANG PAG-UUSAP NINA "CHRISTMAS TREE" AT "SANTA CLAUS" ni Augusto Flameño Monsayac

*ANG PAG-UUSAP NINA "CHRISTMAS TREE" AT "SANTA CLAUS"*
ni Augusto Monsayac

CHRISTMAS TREE:
Santa Claus, ramdam mo rin ba ang pakiramdam ko?

SANTA CLAUS:
Oo, Christmas Tree. Nakakalungkot na tayo ang mas binibigyang importansiya at binubuhusan ng oras na pagkaabalahang idisplay ng mga tao sa buong mundo tuwing sasapit ang pagdiriwang nila ng tinatawag nilang "CHRISTMAS o PASKO".

CHRISTMAS TREE:
Kaya nga. Sa halip na "SABSABAN" ang idisplay nila, dahil ito naman talaga ang TUNAY na may kaugnayan sa PAGSILANG sa PANGINOONG JESUS dahil sa "SABSABAN" Siya inihiga ng Kaniyang mahal na ina noong araw na iyon dahil wala nang lugar para sa kanila sa panuluyan, tayo ang ipinapalit nila at pilit nilang ginagawang "Christmas decorations" at ginagawang mga BIDA at "CENTER OF ATTRACTION" sa kanilang mga tahanan at kung saan-saan pang lugar, gayong wala naman talaga tayong kahit anomang significance o kaugnayan sa pagkapanganak kay JESUS.

SANTA CLAUS:
Sinabi mo pa. Para sa kanila kasi, hindi daw "SOSYAL" na idisplay ang "SABSABAN", marumi at makati kasi, hindi magandang tingnan, hindi kasi makulay at hindi nakakaaliw pagmasdan kaya hindi bagay sa magagara nilang mga bahay.

CHRISTMAS TREE:
Lalo na sa mga pook-pasyalan, mall at  mga opisina. Pati na rin nga sa ibang mga simbahan. Aba eh, pagkalalaki at pagkatataas ng mga ginagawang nilang gaya ko, Pinapakulay, pinapaganda at pinapailawan pa ako nang husto. At dadagdagan pa ng kung anu-anong palamuti. Kani-kaniya silang design. Ako pa ang ginagawa nilang hudyat ng pagsapit ng Pasko sa tinatawag nilang "Christmas Tree Lighting". Tapos, abot sila papicture sa akin. Tuwang-tuwa sila. Pati sa bahay nga ng maraming mahihirap, pinipilit pa rin na tayo ang idisplay para naman daw, at least, magmukhang mayaman. Sinasamantala naman ito ng mga negosyante kasi nga naman katumbas nito ay malaking kita para sa kanila.

SANTA CLAUS:
Ako naman, ginawa na nilang Diyos dahil sabi sa Christmas song nila patungkol sa akin, "He knows when you are sleeping, He knows when you're awake, He knows if you've been bad or good", gayong gawa-gawa lang din naman ako ng mga kwento-kwento nila. Tapos, ako din ang ginawagawa nilang simbolo ng "PAGBIBIGAY" eh ang KATOTOHANAN, ang PANGINOONG JESUS" ang TUNAY na PINAKAMAGANDANG HALIMBAWA ng pagbibigay dahil mismong SARILI Niya ang INIHANDOG Niya sa SANLIBUTAN.

CHRISTMAS TREE:
Biruin mo, sa LABIS na PAGMAMAHAL ng PANGINOON sa sanlibutan, "HINUBAD NIYA ANG LAHAT NG KATANGIAN NG PAGKA-DIYOS", "NAGKATAWANG-TAO" Siya para lang iparamdam sa mga tao na "KASAMA nila ang DIYOS".

SANTA CLAUS:
Na kaya Niya MINARAPAT na Siya ay "IHIGA" sa "SABSABAN" noong Siya ay isilang ay para iparamdam sa mga tao kung gaano Siya HANDANG MAGPAKABABA para lang MAIPADAMA Niya ang WAGAS NIYANG PAGMAMAHAL sa SANGKATAUHAN at sa BUONG SANLIBUTAN.

CHRISTMAS TREE:
Iyan ang NAGLILIWANAG NA KATOTOHANAN na pilit na nais "PAGTAKPAN" ni SATANAS kaya  ginagamit niya tayong kasangkapan para ILIHIS ang mga tao sa katotohanang iyon. NILALASON niya ang isip ng mga tao para gumawa ng kung anu-anong mga kwento at paraan para MABULAGAN ang mga tao.

SANTA CLAUS:
Wala namang masama kung "SABSABAN"' Ang ididisplay nila. Mabuti na lang, na may ilan pa ring NALILIWANAGAN at NALIWANAGAN na ng KATOTOHANAN, gaya ng LIWANAG ng TALA na NANGUNA sa mga PANTAS at ng MABUTING BALITA ng ANGEL sa mga PASTOL.

CHRISTMAS TREE:
Oo nga. At umaasa ako, na darating ang panahon na mawawala na tayo sa mundo, na sa tuwing ipagdiriwang nila ang araw ng KAPANGANAKAN ng PANGINOONG JESUS, ay hindi na tayo ang gagawin nilang Christmas decorations. Sa halip, "SABSABAN" na ang maligaya at maluwalhati nilang ididisplay dahil SILA MISMO, ang SANGLIBUTAN, ang "SABSABAN", na sa kabila ng kanilang pagiging "MAKASALANAN" - "MARUMI", "MAKATI", ay "MINABUTI" at "INIBIG" pa ring "PAKISAMAHAN", "PAMUHAYAN" at "MAKAPILING ng PANGINOONG HESUS bilang tao sa loob ng 33 taon para sila ay Kaniyang ILIGTAS, at "IBIGAY" ang KANIYANG SARILI dahil  sa WAGAS na PAG-IBIG ng DIYOS sa SANLIBUTAN.

SANTA CLAUS:
Ganyan din ang Christmas wish ko.

No comments:

Post a Comment