Tuesday, March 17, 2015

LOVE SONGS by Augusto Flameño Monsayac







*HABAMBUHAY HANGGANG KAMAYATAYAN*

Nang itakda ng tadhana
Na tayo'y magkita
Tumindig ang aking pag-ibig sa'yo;
Sampalataya ng aking puso
Na tayo'y pinagkasundo
Upang maging magkapiling
Sa habambuhay
Hanggang kamatayan.

Chorus:
Iniibig kita
Minamahal kita;
Iibigin kita habambuhay;
Iniibig kita
Minamahal kita;
Mamahalin kita hanggang kamatayan.

Kaligayahan ay naghahari
Sa aking damdamin
Sa paniniwalang tayo
Ang laan para sa isa't isa;
Ang aking kaluluwa
Ay puspos ng pag-asa
Na tayo ay magsasama
Sa habambuhay
Hanggang kamatayan.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Habambuhay hanggang kamatayan
Ang pasasalamat ko sa Maykapal
Na hinimig Niya sa akin
Ang pag-ibig para sa'yo.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Habambuhay hanggang kamatayan.





*YOU ARE SPECIAL*

A love that is pure and true
Inspires me to care about you
Driving my soul with desires
To make you smile.

Refrain:
In every way that I can;
With every thing that I am
I will (do, give) my very best
To make you (see, feel) that...

Chorus:
You are special
So very special
In my heart, in my life;
You are special
So very special
In my heart, in my life.

The bliss that is blazing in me
Streams to my soul an earnest wish
For you and I to be together
'Til the day after forever.

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus, 2X)

You are special
So very special.





*MAHAL*

Aminado akong
Hindi ako karapatdapat sa iyo
Ohhhhh...
At kahit marami
Ang makapagsasabi
Na ako ay 'di mo dapat ibigin.

Hindi pa rin ako titigil
Sa aking pagnanais
Na ika'y tawagin kong mahal.

Chorus:
Mahal na mahal kita
Mahalaga ka sa akin
Ikaw ang kaligayan ng aking damdamin;
Mahal na mahal kita
Ikaw lang, walang iba
Ang iibigin ko nang buong puso,
Mahal.

Kahit pa marami
Ang mga pagkakamaling
Nakatatak sa aking pangalan
Hindi pa rin ako maglulubay
Sa pagpapatunay na tama
Na ako'y tawagin mong mahal.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Pasensya ka na ha
Kung ang isang tulad ko
Ay labis na iniibig ka
Talaga lang kasing napakatindi
Ng tama ko sa iyo
Ohhhh...
Kaya hinding-hindi ako susuko
Sa aking pagsisikap
Na maging karapatdapat
Sa iyong pagmamahal.

(Ulitin ang Chorus, maliban sa huling salita)
(Ulitin ang Chorus)




*INIIBIG KITA*

Tulutan mong titigan ko
Nang matamis ang iyong mukha;
Hayaan mong haplusin ko ito
Ng aking tingin.

Refrain:
Bigyan mong pansin ang nagniningning
Na kaligayahan ko
Na (maipahayag, maipadama) sa'yo
Ang aking nararamdaman.

Chorus:
Iniibig kita, sigaw ng puso
Kailangan ko ang pag-ibig mo
Kailangan kita
Kailan man ay ikaw lang
Ang pakamamahalin sa buhay kong ito
Langit ang nadarama sa piling mo,
Oh, mahal ko...
Ohhh...

Hayaan mong hawakan ko
Nang mahigpit ang iyong kamay;
Itulot mong itapat ko ito
Sa aking didibdib.

Bigyan mong pansin ang nagniningning
Na kaligayahan ko
Na maipadama sa'yo
Ang aking nararamdaman.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Sa bawat yakap, sa bawat halik
Sa bawat sandaling tayo'y magkapiling
Umaawit ang aking damdamin
Isinisigaw nitong aking puso...

(Ulitin ang Chorus)

Mahal ko...

Iniibig kita.






*NAG-AALAB*

Mahal ko, asahan mo
Na kahit tayo'y magkalayo
Pag-ibig ko sa'yo ay hindi magbabago
At lalung-lalo nang hindi maglalaho.

Magtiwala ka na walang iba pa
Na papalit sa iyo dito sa'king puso;
Iyong panghawakan ang katotohanang
Iniibig ko ay tanging ikaw lamang.

Sa bawat segundo, sa bawat minuto,
Sa lahat ng oras na lumilipas
Siguradung-sigurado na ramdam na ramdam ko
'Tong kaligayahang inaawit ko ngayon.

Chorus:
Nag-aalab ang init ng pag-ibig ko sa'yo;
Nagniningas ang pananabik na ika'y makapiling ko;
Nagbabaga ang pag-nanais ng aking espiritu
Na maipadama sa'yo itong pagmamahal ko.

Ohhhhh...

Aking mahal, taimtim kong dasal
Sa ating Dakilang Poong Maykapal
Gabayan kang palagi sa lahat ng sandili
Ilayo sa anomang kapahamakan.

Iyong isaisip anoman aking gawin
Inspirasyon ka nitong iwi kong damdaming
Binibigyang-halaga ang mga alaala
Ng mga pagsasama nating dalawa.

Sa lahat ng araw, linggo, buwan o taon
At maging magpasahabang panahon
Siguradung-sigurado na ramdam na ramdam ko
'Tong kaligayahang inaawit ko ngayon.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Nag-aalab!






*THE PROPOSAL*

Since the day my love for you
Lives within my heart
I already have dreams
Of having you as my wife;
Build a family of our own;
Strive to have a strong, happy home.

I know I may not be
The perfect man for you
But I'll keep on proving
That my love for you is true
I desire to be your husband
Be your grateful lovemate forevermore.

Now, that I have the willingness
To engage in the sunctity of marriage
I love, I love to marry
Oh, I love to marry you.

Now, I wanna know your answer
To my full of hope question,
"Do you also love to marry me?"






*THE WOMAN IN WHITE*

I praise You, Lord
For appointing my heart
To be the home
Of the love that You blessed me
To blissfully feel
For the wonderful lady
Walking towards me.

Chorus:
Let me be worthy of her;
Help me be the man who deserves
For the rest of my life
To have as my wife
The woman in white
I am looking through the eyes.

I thank You, God
For ordaining me
To be the one
Who will love with respect,
Take good care and protect
The wonderful lady
I love to marry.

(Repeat Chorus, 2X)

Of my heart.






*WAGAS NA PAG-IBIG*

Takot sa puso'y
Ituring na pagsubok
Na kailangang pagdaanan
Ng mga tunay na nagmamahalan.

Sa kabila ng mga pangamba
Paghariin ang pag-asang
Dulot ng sarap umibig
Nang malaya at maligaya.

Chorus 1:
Wagas na pag-ibig natin para sa isa't isa
Ang nagbibigkis at magbubuklod sa ating dalawa
Upang tanggapin ang anomang kahinaan;
Unawain ang bawat pagkukulang;
At patuloy na magsumikap
Na maging karapatdapat
Na umibig at mahalin nang tunay.

Ang bawat araw
Ay walang katiyakan
At hindi natin batid ang
Nakalaan sa ating kapalaran.

Ang mahalaga'y hawak-kamay
Nating mapagsaluhan
Ang ating mga karanasang
Nakatala sa ating buhay.

Chorus 2:
Wagas na pag-ibig natin para sa isa't isa
Ang nagbibigkis at magbubuklod sa ating dalawa
Upang harapin ang mga suliranin
Na hahamon sa pagsasama natin
At patuloy na maisabuhay ang dakila nating karapatan
Na umibig at mahalin nang tunay.

Bridge:
Kapit lang nang mahigpit
Sa pananampalataya nating
Tayo ang itinadhang
Magmahalan at mag-ibigan nang wagas.

Chorus 3:
Wagas na pag-ibig natin para sa isa't isa
Ang nagbibigkis at bagbubuklod sa ating dalawa
Upang matagumpay na maisakatuparan
Ang sinumpaang pag-iibigan
At patuloy na maipagdiwang
Ang bigay na biyaya ng Maykapal
Na pag-ibig at pagmahal na tunay...

Iniibig at minamahal kang tunay.





Wednesday, March 11, 2015

EDUCATIONal SONGS by Augusto Flameño Monsayac





*MAG-ARAL NANG MABUTI*

Kaibigan, ang edukasyon ay karapatan
Nang mahirap man o mayaman,
Anoman ang kasarian,
Anoman ang kulay.

Kaibigan, sa pag-aaral ating malilinang
Kaisipan natin at mga kakayahang
Mapapakinabangan
Nang maging mas makabuluhan.

Chorus:
Masayang mag-aral, masarap mag-aral
Kaya tayo ay mag-aral;
Masayang mag-aral, masarap mag-aral
Kaya tayo ay mag-aral
Nang mabuti;
Masayang mag-aral nang mabuti;
Masarap mag-aral nang mabuti;
Tayo ay mag-aral nang mabuti;
Mag-aral nang mabuti;
Mag-aral!

Kaibigan, ang ating mga guro't kamag-aral
At iba pang kaagapay sa eskwelahan
Ating pakitunguhan
Nang mayroong paggalang.

Kaibigan, ang ating mahal na paaralan
At mga gamit sa pag-aaral
Ating pahalagahan
Ating pag-ingatan.

(Ulitin ang Chorus, 3X)





*DIWA NG EDUKASYON*

Ang tula na ito ay sadyang isinatitik
At isinahimig upang pakintalin sa isip
Ang angkop na katugunan sa katanungan kung bakit
Karapatang mag-aral ay mahalagang labis.

Upang patagintingin ang tunay na dahilan
Kaya iniengganyo ang bawat mag-aaral
Na magsumikap na pumasok sa paaralan
Makapagtapos na taglay ang mga pinag-aralan.

Refrain:
Itong tinig na ngayon ay pumapaimbulog
Pundasyon ay ang pusong naniniwalang lubos
Na mula pa noon at magpasahabang panahon
Ganito ang ang likas na diwa ng edukasyon.

Chorus:
Para magtamo ng kaalaman;
Para malinang ang kakayahan;
Para lalong maging isang
Makabuluhang nillang;
Para magtamo ng kaalaman;
Para malinang ang kakayahan;
Para lalong maging isang
Makabuluhang nilalang.

Ang awit na ito ay magsilbi nawang gabay
Tagapagpaalala sa mga bunying magulang
Na ang ang edukasyon sa anak marapat ibigay
Bilang pagpapadama ng wagas na pagamahal.

Kahirapan ay hindi dapat maging balakid
Sa pagmimithi nitong yamang walang kaparis;
Ang diplomang ninanais sa kamay na makamit
Kailangang bunga ng pagkamasigasig.

(Ulitin ang Refrain)

(Ulitin ang Chorus, 3X)




*ANG DIPLOMA KONG ITO*

Sa wakas, heto na
Ang araw na aking pinakahihintay;
Nakamtan ko rin
Ang katunayan ng pamana mo sa akin.

Refrain:
Nag-uumapaw ang galak sa aking dibdib;
May pasasalamat ang aking tinig sa pagsasabing...

Chorus:
Ang diploma kong ito
Ay alay ko sa'yo
Nang buong puso;
Ang diploma kong ito
Ay handog ko sa'yo
Nang buong puso
Nang buong puso.

Sa wakas, heto na
Ang sandaling aking pinakaasam
Na sa'yo'y aking maipagkaloob
Itong bunga ng iyong pagpupunyagi.

(Ulitin ang Refrain)
Ulitin ang Chorus)

Instrumental

(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)





*THE SINGING DIPLOMA*

At first, I was just a plain piece of paper
Curiously wondering for what I was created
But since the very second that I was picked
To be the one to serve as the certificate
Proving that you have attained education
From your beloved Alma Mater
Then I love the feeling that I was purposely made
For a very, very significant reason.

I thank you for treasuring me as a precious gift
And I sealed this with a promise
That everthing printed on me -
Most specially your name -
I will carry them all
With pride and honor.

For the shining inspiration
That you have shown to world,
"Cheers to you!";
For the gift of wisdom
That you have acquired with flying colors,
"Congratulations!"

Congratulations! (Cheers to you!)
Cheers to you! (Congratulations!)
(8X)








Friday, March 6, 2015

CHILDREN SONGS by Augusto Flameño Monsayac

*I BELIEVE*

I believe there's a reason why
You let me live and enjoy my life;
There's a role that I should play,
A mission that I should accomplish;
There's a purpose why I am here in this world.

Chorus:
O, Lord,
Show me the path I must go through;
Give me strength to do the things I must do;
My Creator I need you;
Guide me, help me
To be
The one that I should be.

I believe You have given me
Gifts that I should use for Thy glory;
You blessed me with skills and talents
That I should discover and develop
And share this blessings
For the betterment of the world.

(Repeat Chorus)

Bridge:
I am nothing without you;
I can't make this on my own;
I believe in you,
O, Lord...

(Repeat Chorus)


*A CHILD*

I know
I'm but a child
Who doesn't know much
About life;
But I know I
I do have rights
Eventhough I'm just a child.

Chorus 1:
The right to live; to be love;
The right to grow; to have dreams;
The right to education; to showcase my talents;
The right to see, to enjoy
The beauty of the world;
The right to smile, to laugh
To celebrate my childhood.

I know
I'm but a child
Who may not have much say
In this land
But I know
I am loved by God
Even though I'm just a child.

Chorus 2:
So, I pray for peace, for unity,
For freedom and equality;
I pray for love to reign
Over all the earth;
I pray for hope and happiness
In every heart and soul;
I pray that each child will have
A wonderful childhood.

Bridge:
I know I am loved by God...
I know I do have rights
Eventhough I'm just a child.

(Repeat Chorus 1&2)






*THE GRANDCHILD*

Grandma, Grandpa,
Thank you for my parents
For the love, for the care
You have given them.

Grandpa, Grandma,
Thank you for your blessings
For the guidance and support
You extent to me.

Chorus:
And through this song of mine
I want to let you know
Your significance in my  world
Will never be forgotten
No no no no no no no no
O, Grandma, O, Grandpa,
Let me say to you,
"Grandpa, Grandma, I love you".

Grandpa, Grandma,
Thank you for the stories,
For the wordsof wisdom
You have told me.

Grandma, Grandpa,
Thank you for the memories,
For the time, for the joy
You have shared with me.

(Repear Chorus)

Bridge:
Precious are my moments with you;
I will keep and cherish them like treasure;
I am blessed to see you at your golden days;
I am grateful that our life's journeys meet ways.

(Repeat Chorus)

O, Grandma, O Grandpa,
Let me say to you
"Grandpa, Grandma, I love you."









SONGS FOR MOTHERS / FATHERS by Augusto Flameño Monsayac







*SALAMAT SA IYO, MAHAL KONG INA*

Salamat sa iyo, mahal kong ina
Sa pagtanggap mo na maging instrumento ka
Ng Dakilang Manlilikha upang ako ay magawa
Bilang pagpapala ng malikhain Niyang mga kamay
Sa iyong sinapupunan na puspos na kahiwagaan
Habang ako'y Kanyang inaanyuan nang may lubos na pagmamahal.

Salamat sa iyo, mahal kong ina
Sa pag-ibig mo na wagas mong ipinadama
Sa matamis na pagkalinga, sa magiliw na pag-aaruga
Nang mga panahong ako ay buong ingat mong dinadala
Sa iyong sinapupunan na paraiso ko't palaruan
Habang ako'y sabik na sabik sa pagdating ng araw kong hinihintay.

Salamat sa iyo, mahal kong ina
Sa pagharap mo nang may pananampalataya
Sa lahat ng sakit at hirap na kinailangan mong pagdaanan
Nang mga sandali na ako ay nakatakda na magpaalam
Sa iyong sinapupunan na aking pansantalang tahanan...
Para batiin ka, nang may pasasalamat, sa maluwalhati mong tagumpay.






*INANG*

Mula pa lang sa iyong sinapupunan
Pintig ng puso mo ay musika na ng buhay ko;
At nang ako ay iyong maisilang
Ako'y idinuyan mo sa hele ng iyong magiliw na pagmamahal.

Refrain:
Kaya sa sandaling ito
Hayaan mong ako'y makapagbigay-pugay sa'yo
Kahit man lang sa pamamagitan ng munting awit kong ito...

Chorus:
Sa lahat ng babae
Sa balat ng lupa
Para sa akin ay
Ikaw ang pinakamaganda
Anoman ang sabihin ng iba
Basta't para sa akin ay
Ikaw ang pinakamaganda.

Sa lambing ng iyong pagtingin sa akin
Pinatugtog mo sa puso ko ang wagas na pag-ibig;
At sa haplos ng iyong pagkalinga
Inihimig mo sa akin na ako ay mahalaga.

(Ulitin ang Refrain at Chorus)

Bridge:
Oh, Inang, salamat salamat Inang
Ika'y aking mahal, ika'y isang dakila
Buhay mo ay iyong itinaya
Maisilang lang ako
Kaya...

(Ulitin ang Chorus)

Aking Inang
Aking Inang.





*KASAMA ANG NANAY*

Ang sarap alalahanin
Ang mga sandali
Ng paglingap, ng pagmamahal
Sa akin ni Nanay.

Ang saya nitong damdamin
Sa tuwing sasagi sa aking isip
Ang mga panahon ng kagalakan
At pagngiti ni Nanay.

Chorus:
(Kaya) Kung mayroon man akong mahihiling
Na ibig kong ipagkaloob ng langit
Ito'y ang mga pagkakataon pa
Ng mga oras na lipos ng ligaya
Kasama ang nanay
Kasama ang Nanay.

O kaypalad ng katulad ko
Na ako ay nakatagpo
Ng isang dakilang ina
Sa katauhan ni Nanay.

Talagang wala nang papalit
Sa tanging init ng pag-ibig
Na taglay ng magiliw na haplos
At tinig ni Nanay.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Upang akin pang maipadama sa kanya
Ang pag-ibig ng isang anak sa kanyang ina.

(Ulitin ang Chorus)

Kasama ang Nanay
Kasama ang Nanay.





*IKAW NA, DA BEST KA*

Di matatawaran ang iyong kasipagan
Na inilalaan sa paghahanapbuhay;
Ginagawa mo ang lahat
Sa pagsusumikap na maitaguyod
Ang ating pamilya.

Chorus:
Ikaw na, da best ka
Da best na da best kang talaga
Ipinagpapasalamat kong lubos
Na magulang kita;
Ikaw na, da best ka
Da best na da best kang talaga
Ipinagmamalaki ko sa mundong
Magulang kita.

Hirap at pagod ay iyong binabata
Makatugon lamang sa ating pangangailangan;
Mga hamon sa pagtatrabaho'y pilit mong kinakaya
Kahit na mataya pa ang sariling buhay.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Kaysarap mabusog sa iyong pagamahal;
Aking ikinararangal na ako'y iyong anak.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Ikaw na, Da best ka!





*CONGRATULATIONS FOR THE WONDERFUL PARENT YOU ARE*

In the heart of (his, my) soul is a child
Joyfully playing (his, my) most favorite instrument
As the soul of (his, my) spirit
Lovingly sings the song
Gratefully written by the spirit of (his, my) heart.

Refrain:
For the most amazing person
(In the life of the child saying,
In my life, as your child, I say)

Chorus:
Congratulations for the wonderful parent you are;
Congratulations for the job well done;
My grandparents must be proud of you;
It's a great honor to be a child of yours.

(Repeat I and Refrain)
(Repeat Chorus)

Instrumental

(Repeat Chorus)

It's a great honor to be a child of yours.


Thursday, March 5, 2015

FATHER'S SONGS by Augusto Flameño Monsayac




*A FATHER'S STORY*

A woman
Was favored by God
To be with child;
Wholeheartedly, she accepted the baby
Into her life;
She did the best she can do
In taking good care
Of the fruit in her womb
Cherishing it
As the most precious treasure in the world.

When the time
Came for the woman to have the child
Courageously, she gave birth to the baby
Risking her life;
She entrusted them all -
Her fate and the fate of the fruit of her womb
To the gracious hands
Of the loving and compassionate Lord.

The baby is you, my child
And the woman is your mother;
I share with you this story of love
To encourage you to honor her
For I want you to be
Forever grateful to the
Woman who gave thee
As her living gift to me.

I am a proud father, my child
And I owe this to you mother;
I tell you this with respect and love
To encourage you to honor her
For I want you to be
Forever grateful to the
Woman who gave thee
As her living gift to me.





*MY PRECIOUS CHILD*

When I heard the good news
That your mother was pregnant with you
My spirit dance for joy
And gratefully praised the Lord;
And as the days passed by
My mind could not deny
That I was so excited to meet you, to know you.

Then, through a cry,
You ended my months-long of waiting
Marking the time of my birth as your father;
And as a proud witness of that momentous victory
"Congratulations, man!"
My soul exclaimed to me.

Chorus:
My precious child,
Having you in my life
Makes me feel like
I'm the happiest man in the universe;
My precious child,
Having you in my life
Makes me feel like
I'm the happiest man in the universe
I'm the happiest man in the universe.

When, finally, after gathering all my guts
I grabbed the pleasure of having you in my arms;
As I looked at you, with so grateful eyes
"Man, you're so blessed!"
My body's cheer to me.

(Repeat Chorus, 2X)





*PARA SA'YO, AKING ANAK*

Ikaw ay pagpapala
Sa akin ng Dakilang Maykapal;
Ikaw ay napakahalaga sa aking buhay;
Kayamanan kong pinakatatangi;
Walang kapantay, walang kapalit.

Chorus:
(Kaya) Para sa'yo, aking anak,
Lahat ay aking gagawin
Upang maipadama sa'yo
Ang wagas na pag-ibig;
Para sa'yo, aking anak
Ibibigay ko ang lahat
Nang aking makakaya
Nang maging karapatdapat sa iyo.

Ikaw ay aking buhay
Bukal ka ng kapayapaan ko;
Ikaw ay tagapaghatid ng pag-asa sa aking puso;
Liwanag ka ng aking kaligayahan;
Langit kong dahilan upang ako'y ngumiti.

(Ulitin ang Chorus)

Bridge:
Laman ka ng aking laman;
Dugo ka ng aking dugo...

(Ulitin ang Chorus, 2X)

... Aking anak.






*PINAKAMAGANDANG TAGAPAGPAALALA*

Noong ako ay bata pa
Ang iyong lolo at lola
Ang kumalinga, gumabay sa akin
Nilingap ako nang may ingat, may giliw;
Nang walang kundisyon, walang kapalit.

Refrain:
Sa pagdating mo sa buhay ko
Lubos kong napag-unawa at napagtanto
Ang tunay na halaga at kabuluhan
Ng mga sakripisyo nila at pagpapagal
Kaya bilang pasasalamat sa kanila
Sa iyo ay aking ipinapadama
Ang pag-ibig, ang pagmamahal
Na sa akin ay kanilang pamana,
Aking anak...

Chorus:
Ikaw ang siyang pinakamagandang tagapagpaalala
Sa akin ng aking mga magulang
At ng lahat-lahat na kanilang ginawa
Na mga kabutihan at pag-ibig sa akin
Kaya ako ngayon ay nandirito
Kumakalinga, nagmamahal sa'yo.

(Ulitin ang Refrain)
Ulitin ang Chorus)

Aking anak...

(Ulitin ang Chorus, maliban sa huling salita)

Kumakalinga, nagmamahal
Kumakalinga, nagmamahal...
Sa'yo.



*FATHER AND CHILD*

Father:
I am blessed to have you, my child;
I am grateful that I am your father;
I thank God that He gave you to me;
I am blessed that we have each other.

I may not be the greatest
But I will try my very best
To be worthy of you
And for you to be proud of me.

Child:
I am blessed to have you, my father;
I am grateful that I am your child;
I thank  God that He gave you to me;
I am blessed that we have each other.

I may not be the greatest
But I will try my very best
To give honor to you
And for you to be proud of me.

Father: I am blessed to have you, my child
Child: I grateful that you are my father
Father: I thank God that He gave you to me
Child: I am blessed that we have each other.

Father: I may not be the greatest
Child: But I will try my very best
Father: To be worthy of you
Father and Child: And for you to be proud of me.

Child: I may not be the greatest
Father: But I will try my very best
Child: To give honor to you
Father and Child: And for you to be proud of me.

MOTHER'S SONGS (From Conception to Eternity) by Augusto Flameño Monsayac






*DASAL NG ISANG MAGULANG*

Pinupuri Kita, O Panginoon
At taos pusong sa'yo'y nagpapasalamat
Na ako ay iyong kinalugdan
At sa akin siya ay ibinigay.

Refrain:
Ang hiling ko sa Iyo
Nang may pagsusumamo
Nawa'y dinggin itong panalangin ko.

Chorus:
Tulungan Mo akong maging karapatdapat
Sa paglingap mo at sa'yong pagtitiwala;
Turuan Mo akong maipakita at maipadama
Ang wagas na pagmamahal sa kanya;
Gabayan Mo siya sa lahat niyang mga araw;
Lingapin Mo ang kanyang kalusugan;
Bigyan mo siya ng lakas sa pagharap sa buhay;
Lumaki nawa siya nang ayon sa Iyong kalooban,
Oh Panginoon.

(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)





*DEAR BABY IN MY WOMB*

Dear baby in my womb
I thank you for choosing me
To be your mother;
With all my heart,
I blissfully say,
"Welcome to my life!"

Chorus:
Rest assured that as you
Enjoy the molding to you
Of your Mighty and Magnificent Maker
I will do my very best
To keep you safe and protected
Till the day that is time for me to have you,
Dear baby in my womb.

Dear baby in my womb,
I am so excited to see, to hold you;
With love and care,
I soulfully pray
For your lively health.

(Repeat Chorus, except last line)

(Repeat Chorus)

Dear baby in my womb.





*ANAK KO*

Puso ko'y puspos ng pasasalamat
Na ako'y pinagpala ng Maykapal
At ika'y ipinagkatiwala sa akin
Para mahalin...

Chorus:
(Nang, Na) walang pag-aalinlangan;
(Nang, Na) tapat; (Nang, Na) may pagtitiwala;
(Nang, Na) may pagtinging hindi magmamaliw;
(Nang, Na) may wagas na pag-ibig.

Ako ngayo'y lubos ang pananabik
Na ika'y makita, makapiling
At sa'yo'y maipadama ng labis
Ang pagmamahal...

(Ulitin ang Chorus, 2X)



*MOTHER'S LOVE*

I am extremely grateful
That I am the fortunate woman
Who had the privilege of conceiving you
While you went through months of transformation
Under the will of the Creator who sent you to me
To show in a miracle with majesty
The one of His amazing ways of favoring me...

To allow me to feel completely my innate quality;
To bless me with excitement as I prepared for the day
That He appointed for me
To remarkably prove my worthiness
Of having you as my child.

I am fond of reminiscing
The truly eventful moment
When you declared my success in giving you birth
Through your signal of being alive
Which triumphantly freed my spirit
From undesirable fears;
Caressed by body with energizing peace;
And filled my soul with overwhelming joy...

That enchanted my eyes to watch you
With utmost admiration;
Encouraged my arms
To enfold you with tender care;
And empowered my lips
To sing you with prayers
For your good health
And prosperous life.

I love you, I love you, I love you,
Sweet fruit of my womb;
Source of my happiness, strength and inspiration;
My valid reason to countless times celebrate the words,
"Thank you, Lord!
Thank you, Lord!
Thank you, Lord!"








*THE BREASTFEEDING SONG*

It is my pleasure, my dear baby
To feed you through my bosom
To express my selfless care to you
Ohhh...

This glorious time of having you nursed
At the blessed gland of my womanhood
Is my wonderful moments of feeling my worth.

Chorus:
Enjoy, my child, in savoring
The milk of my sweet love for you
That is specially secreted to make you healthy;
I grant to you wholeheartedly
The milk of God's divine love for you
That He provides for you, my child,
Through my body.

I am fortunate as your mother
To have this essential way
Of nourishing the tender frame of yours
Hmmmm...

This experience of breastfeeding you
Is priceless and incomparable
A memory that I will cherish for a lifetime.

(Repeat Chorus, 2X)





*OYAYI*

Aking bunsoy, tulog ka
Nang mahimbing at nang masarap;
Asahan mong kasama ka
Palagi sa aking mga panalangin.

Refrain:
Paligid man ay madilim
Walang dapat ipanimdim
'Pagkat sumapit man itong gabi
Pag-ibig ng Diyos ay walang patid.

Chorus:
Ang Maylalang ng kalawakan
Sa iyo ay magiliw na nakatanaw
Hindi siya matutulog o iidlip man
Buong pagmamahal sa'yo'y nakagabay
Gabi man o araw.

Aking bunsoy, hayaan mong
Sa pagtulog mo, itong awit ko
Ang sa iyo ay maghatid
Tungo sa isang kaygandang panaginip.

(Ulitin ang Chorus, 2X)

Aking bunsoy, tulog ka
Nang mahimbing at nang masarap.





*NAVEL*

Mother:
It is there in your body
To certify that you are God's blessing to me;
To remind you that you're the cutie baby
The womb of mine had the pleasure to carry
For several months
Till the day of your birth.

Chorus:
Even though the cord was already cut
It's mark remains to inculcate in our hearts
That the bond God has given us
As mother and child
Is special in His eyes.

Child:
It is here in my body
To recognize your unique act of heroism
To hail you as the woman who owns the womb
The frame of mine has the honor to lived in
For several months
Till the day of my birth.

(Repeat Chorus)

Mother and Child:
(Repeat Chorus)

Yes, the bond God has given us
As mother and child
Is special in His eyes.



*PARENTAL GUIDANCE*

I.
Don't be mistaken
Don't even dare to think
That in loving you, my child
I expect something in return.

No no no.
No no no no no no no
No no no no no no no no.

II.
It's my obligation, my resposibility
To love and guide you, my child
Selflessly as it should be.

Yeah yeah yeah
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah yeah
Yeah yeah yeah yeah yeah yeah yeah.

Refrain:
So if your heart as your mind
To find ways of paying back
Everything I've done for you
Through this song I want to remind you.

Chorus:
Letting me love you is enough way already
Of making me feel the love you have for me;
Letting me express the love I have for you
Is your best way of telling me
That you love my loving you.

(Repeat II and I)
(Repeat Refrain)
Repeat Chorus, 2X)





*TINIG*

Nawala man ako
Iniwan ko naman sa'yo
Ang aking pagmamahal
Sa pag-asang ito ay makakatulong
Sa pagharap mo
Sa mga hamon ng buhay.

Sa mga sandaling
Ang pangungulila mo sa akin
Ay hapuin ang puso mo sa paninimdim
Hayaan mong bumukal nang malaya
Ang luha sa iyong mga mata
Upang maibsan ang sakit na iyong nadarama.

At hayaan mo ring
Ang aking mga alaala
Na sa isipan mo ay aking pamana
Na ganyakin ang pag-ibig mo para sa akin
Na ako ay handugan mo
Ng matamis mong ngiti
Nang may pananpalatayang
Tayo ay magkakasamang muli.











Tuesday, March 3, 2015

MY DEAR TEACHER by Augusto Flameño Monsayac

My heart admires you
For demonstrating the joys
Of practicing the noble profession of teaching;
My soul appreciates
The sacrifices you make
To proudly produce serviceable citizens.

Your innovative ways
Of nurturing minds
Excite my desire to obtain wisdom;
Your supportive spirit
Builds up my confidence
To be at the best of my abilities.

The guidance of a parent
And the companionship of a friend
That you conjointly grant with sincerity
Are special reasons
Why I feel so blessed
To inherit the precious gift of education.

You are my inspiration
In engraving the statement
"EVERY GREAT TEACHER IS A UNIVERSAL HERO";
I am one of the voices
That gratefully breathes,
"Good health be with you, my dear teacher."