*MAG-ARAL NANG MABUTI*
Kaibigan, ang edukasyon ay karapatan
Nang mahirap man o mayaman,
Anoman ang kasarian,
Anoman ang kulay.
Kaibigan, sa pag-aaral ating malilinang
Kaisipan natin at mga kakayahang
Mapapakinabangan
Nang maging mas makabuluhan.
Chorus:
Masayang mag-aral, masarap mag-aral
Kaya tayo ay mag-aral;
Masayang mag-aral, masarap mag-aral
Kaya tayo ay mag-aral
Nang mabuti;
Masayang mag-aral nang mabuti;
Masarap mag-aral nang mabuti;
Tayo ay mag-aral nang mabuti;
Mag-aral nang mabuti;
Mag-aral!
Kaibigan, ang ating mga guro't kamag-aral
At iba pang kaagapay sa eskwelahan
Ating pakitunguhan
Nang mayroong paggalang.
Kaibigan, ang ating mahal na paaralan
At mga gamit sa pag-aaral
Ating pahalagahan
Ating pag-ingatan.
(Ulitin ang Chorus, 3X)
*DIWA NG EDUKASYON*
Ang tula na ito ay sadyang isinatitik
At isinahimig upang pakintalin sa isip
Ang angkop na katugunan sa katanungan kung bakit
Karapatang mag-aral ay mahalagang labis.
Upang patagintingin ang tunay na dahilan
Kaya iniengganyo ang bawat mag-aaral
Na magsumikap na pumasok sa paaralan
Makapagtapos na taglay ang mga pinag-aralan.
Refrain:
Itong tinig na ngayon ay pumapaimbulog
Pundasyon ay ang pusong naniniwalang lubos
Na mula pa noon at magpasahabang panahon
Ganito ang ang likas na diwa ng edukasyon.
Chorus:
Para magtamo ng kaalaman;
Para malinang ang kakayahan;
Para lalong maging isang
Makabuluhang nillang;
Para magtamo ng kaalaman;
Para malinang ang kakayahan;
Para lalong maging isang
Makabuluhang nilalang.
Ang awit na ito ay magsilbi nawang gabay
Tagapagpaalala sa mga bunying magulang
Na ang ang edukasyon sa anak marapat ibigay
Bilang pagpapadama ng wagas na pagamahal.
Kahirapan ay hindi dapat maging balakid
Sa pagmimithi nitong yamang walang kaparis;
Ang diplomang ninanais sa kamay na makamit
Kailangang bunga ng pagkamasigasig.
(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 3X)
*ANG DIPLOMA KONG ITO*
Sa wakas, heto na
Ang araw na aking pinakahihintay;
Nakamtan ko rin
Ang katunayan ng pamana mo sa akin.
Refrain:
Nag-uumapaw ang galak sa aking dibdib;
May pasasalamat ang aking tinig sa pagsasabing...
Chorus:
Ang diploma kong ito
Ay alay ko sa'yo
Nang buong puso;
Ang diploma kong ito
Ay handog ko sa'yo
Nang buong puso
Nang buong puso.
Sa wakas, heto na
Ang sandaling aking pinakaasam
Na sa'yo'y aking maipagkaloob
Itong bunga ng iyong pagpupunyagi.
(Ulitin ang Refrain)
Ulitin ang Chorus)
Instrumental
(Ulitin ang Refrain)
(Ulitin ang Chorus, 2X)
*THE SINGING DIPLOMA*
At first, I was just a plain piece of paper
Curiously wondering for what I was created
But since the very second that I was picked
To be the one to serve as the certificate
Proving that you have attained education
From your beloved Alma Mater
Then I love the feeling that I was purposely made
For a very, very significant reason.
I thank you for treasuring me as a precious gift
And I sealed this with a promise
That everthing printed on me -
Most specially your name -
I will carry them all
With pride and honor.
For the shining inspiration
That you have shown to world,
"Cheers to you!";
For the gift of wisdom
That you have acquired with flying colors,
"Congratulations!"
Congratulations! (Cheers to you!)
Cheers to you! (Congratulations!)
(8X)
No comments:
Post a Comment