*SALAMAT SA IYO, MAHAL KONG INA*
Salamat sa iyo, mahal kong ina
Sa pagtanggap mo na maging instrumento ka
Ng Dakilang Manlilikha upang ako ay magawa
Bilang pagpapala ng malikhain Niyang mga kamay
Sa iyong sinapupunan na puspos na kahiwagaan
Habang ako'y Kanyang inaanyuan nang may lubos na pagmamahal.
Salamat sa iyo, mahal kong ina
Sa pag-ibig mo na wagas mong ipinadama
Sa matamis na pagkalinga, sa magiliw na pag-aaruga
Nang mga panahong ako ay buong ingat mong dinadala
Sa iyong sinapupunan na paraiso ko't palaruan
Habang ako'y sabik na sabik sa pagdating ng araw kong hinihintay.
Salamat sa iyo, mahal kong ina
Sa pagharap mo nang may pananampalataya
Sa lahat ng sakit at hirap na kinailangan mong pagdaanan
Nang mga sandali na ako ay nakatakda na magpaalam
Sa iyong sinapupunan na aking pansantalang tahanan...
Para batiin ka, nang may pasasalamat, sa maluwalhati mong tagumpay.
*INANG*
Mula pa lang sa iyong sinapupunan
Pintig ng puso mo ay musika na ng buhay ko;
At nang ako ay iyong maisilang
Ako'y idinuyan mo sa hele ng iyong magiliw na pagmamahal.
Refrain:
Kaya sa sandaling ito
Hayaan mong ako'y makapagbigay-pugay sa'yo
Kahit man lang sa pamamagitan ng munting awit kong ito...
Chorus:
Sa lahat ng babae
Sa balat ng lupa
Para sa akin ay
Ikaw ang pinakamaganda
Anoman ang sabihin ng iba
Basta't para sa akin ay
Ikaw ang pinakamaganda.
Sa lambing ng iyong pagtingin sa akin
Pinatugtog mo sa puso ko ang wagas na pag-ibig;
At sa haplos ng iyong pagkalinga
Inihimig mo sa akin na ako ay mahalaga.
(Ulitin ang Refrain at Chorus)
Bridge:
Oh, Inang, salamat salamat Inang
Ika'y aking mahal, ika'y isang dakila
Buhay mo ay iyong itinaya
Maisilang lang ako
Kaya...
(Ulitin ang Chorus)
Aking Inang
Aking Inang.
*KASAMA ANG NANAY*
Ang sarap alalahanin
Ang mga sandali
Ng paglingap, ng pagmamahal
Sa akin ni Nanay.
Ang saya nitong damdamin
Sa tuwing sasagi sa aking isip
Ang mga panahon ng kagalakan
At pagngiti ni Nanay.
Chorus:
(Kaya) Kung mayroon man akong mahihiling
Na ibig kong ipagkaloob ng langit
Ito'y ang mga pagkakataon pa
Ng mga oras na lipos ng ligaya
Kasama ang nanay
Kasama ang Nanay.
O kaypalad ng katulad ko
Na ako ay nakatagpo
Ng isang dakilang ina
Sa katauhan ni Nanay.
Talagang wala nang papalit
Sa tanging init ng pag-ibig
Na taglay ng magiliw na haplos
At tinig ni Nanay.
(Ulitin ang Chorus)
Bridge:
Upang akin pang maipadama sa kanya
Ang pag-ibig ng isang anak sa kanyang ina.
(Ulitin ang Chorus)
Kasama ang Nanay
Kasama ang Nanay.
*IKAW NA, DA BEST KA*
Di matatawaran ang iyong kasipagan
Na inilalaan sa paghahanapbuhay;
Ginagawa mo ang lahat
Sa pagsusumikap na maitaguyod
Ang ating pamilya.
Chorus:
Ikaw na, da best ka
Da best na da best kang talaga
Ipinagpapasalamat kong lubos
Na magulang kita;
Ikaw na, da best ka
Da best na da best kang talaga
Ipinagmamalaki ko sa mundong
Magulang kita.
Hirap at pagod ay iyong binabata
Makatugon lamang sa ating pangangailangan;
Mga hamon sa pagtatrabaho'y pilit mong kinakaya
Kahit na mataya pa ang sariling buhay.
(Ulitin ang Chorus)
Bridge:
Kaysarap mabusog sa iyong pagamahal;
Aking ikinararangal na ako'y iyong anak.
(Ulitin ang Chorus, 2X)
Ikaw na, Da best ka!
*CONGRATULATIONS FOR THE WONDERFUL PARENT YOU ARE*
In the heart of (his, my) soul is a child
Joyfully playing (his, my) most favorite instrument
As the soul of (his, my) spirit
Lovingly sings the song
Gratefully written by the spirit of (his, my) heart.
Refrain:
For the most amazing person
(In the life of the child saying,
In my life, as your child, I say)
Chorus:
Congratulations for the wonderful parent you are;
Congratulations for the job well done;
My grandparents must be proud of you;
It's a great honor to be a child of yours.
(Repeat I and Refrain)
(Repeat Chorus)
Instrumental
(Repeat Chorus)
It's a great honor to be a child of yours.
No comments:
Post a Comment