*ABOUT LOWERING THE AGE OF CRIMINAL LIABILITY IN THE PHILIPPINES*
ni: Augusto Monsayac
YES, I am VERY MUCH "IN FAVOR" of "LOWERING THE AGE OF CRIMINAL LIABILITY" here in the Philippines. Naniniwala ako na ang PINAKALAYUNIN ng BATAS na ito ay "HINDI PARA ITURING NA KRIMINAL, IKULONG O PARUSAHAN ANG MGA BATA/KABATAAN" kundi "PARA IPAKINTAL SA KANILA SA MURANG EDAD ANG KAHALAGAHAN NG DISIPLINA, PAGSUNOD SA BATAS AT PAGGAWA NG MABUTI PARA SA MAS MAKABULUHANG BUHAY". Gaya sa SINGAPORE, na "7 YEARS OLD" ang age of criminal liability, DISIPLINADONG-DISIPLINADO ang mga MAMAMAYAN nila. Marahil, dahil din ito sa TAPAT SA PAGLILINGKOD ANG MGA "WORKERS OF GOVERNMENT" nila.
Kaya lang, dito sa ating bansang PILIPINAS, kahit sabihin pa natin na ang PAMILYA o MGA MAGULANG talaga ang may PANGUNAHING RESPONSIBILIDAD sa PAGDIDISIPLINA sa mga BATA/ANAK, paano nga ba natin "MAKUKUMBINSI" ang mga KABATAAN na "MASAMA ANG MAGNAKAW, MANAKIT O PUMATAY NG KAPWA, AT GUMAWA NG IBA'T IBANG KRIMEN", gayong NABABALITAAN at NALALAMAN nila, sa PAMAMAGITAN ng NAPAKARAMI na NGAYONG mga KAPARAANAN, na "MISMONG ANG MGA TAGAGAWA AT TAGAPAGPATUPAD NG BATAS, at IBA PANG MGA OPISYAL NG GOBYERNO, (di po natin nilalahat ah) sa ating bansa ay MILYON-MILYON o dili kaya'y BILYON-BILYON ang KINUKURAKOT/NINANAKAW sa KABAN NG YAMAN O PONDO NG GOBYERNO, mga nagagawang MAGPAPATAY NG KAPWA para lang sa kani-kanilang mga POLITIKAL AT PANSARILING INTERES, at mga LIHIM NA SANGKOT SA PAGGAWA/PAGBEBENTA NG MGA ILIGAL NA DROGA AT IBA'T IBANG ILIGAL NA GAWAIN PERO HANGGANG NGAYON AY NASA POSISYON PA, AT ANG IBA NAMAN AY KUMAKANDIDATO PA ULIT."
Paano natin sila "MAPAPASUNOD SA BATAS", gayong may mababasa silang mga balita, MISMONG ANG MGA OPISYAL NG ATING GOBYERNO, MAGING ANG IBANG MGA OPISYAL/LIDER NG MGA SIMBAHAN AT RELIHIYON (hindi pa rin po ulit natin nilalahat) ang sila MISMONG LUMALABAG SA BATAS PERO HINDI PA RIN NAMAN NAPAPARUSAHAN.
Paano natin sila "MAPANINIWALA" na "HINDI DAHILAN ANG KAHIRAPAN PARA GUMAWA NG MASAMA, gaya ng PAGNANAKAW", kung may mga napapanood silang mga balita na ang mga PANGUNAHING SANGKOT SA KORAPSYON SA GOBYERNO AY MGA MAYAYAMAN DIN NAMAN PALA"? Paano kung "MAGPILOSOPO" sila na, "SILA NGANG MAYAYANAN NA, NAKAKAPAGNAKAW PA, AT SA KABAN PA NG BAYAN NA PERA NG TAUMBAYAN HA, KAMI PA KAYA NA MAHIHIRAP LANG?"
Paano nga ba natin sila "MAEENGGANYO" na "NAPAKAHALAGA NG EDUKASYON PARA MAGING MABUBUTING MAMAMAYAN NG BANSA" gayong, may mauulinigan din sila sa mga balita at usap-usapan, na ang mga " NATURINGANG EDUKADO O MAY MATATAAS NA PINAG-ARALAN SA MGA "PRESTIGIOUS SCHOOLS" NATING MGA NASA MATATAAS NA TUNGKULIN SA PAMAHALAAN (hindi pa rin po natin nilalahat) ay YUMAYAMAN O LALO PANG YUMAYAMAN NANG DAHIL SA PAGIGING SANGKOT SA MGA ILIGAL NA GAWAIN AT PANGLALAMANG SA KAPWA?
Maaaring hindi masabi ng mga mahuhuling kabataan, dahil sa takot o anoman, pero paano kung, sa paghuli sa kanila na sangkot sa gawang masama o iligal, ay gawing nilang PALUSOT ang mga tanong na "BAKIT PO SI _____________ ( pangalan ng OPISYAL SA GOBYERNO/SIMBAHAN) NA __________(ang ikakatuwirang dahilan), kahit na NAKABUYANGYANG na ang mga EBIDENSYA, AY HINDI NINYO HINUHULI? DAHIL PO BA SA DAHIL BATA LANG AKO AY GANITO N'YO AKO KAYAN-KAYANIN AT KADALI HULIHIN PERO SI ________, NA NASA HUSTONG GULANG AT MATANDA NA, KAHIT ALAM NINYONG PAULIT-ULIT NANG _________ (ginagawang iligal/labag sa batas), HINAHAYAAN N'YO LANG?" EXEMPTED PO BA SILA SA BATAS DAHIL MAYAYAMAN AT NASA KAPANGYARIHAN SILA?"
Paano kung "IPANISI" nila ang "KUNG HINDI BA NINYO KINUKURAKOT ANG BILYUN-BILYON (TRILYON-TRILYON na sa paniniwala ng iba) na PERA SA PONDO NG PAMAHALAAN, NA NAKALAAN SANA SA PANGTULONG SA AMING MGA MAHIHIRAP, EH SA PALAGAY PO BA NINYO, AY MAGAGAWA NAMING MAGNAKAW O KUMAPIT SA PATALIM PARA LANG MAY MAIPANGLAMAN SA KUMAKALAM NAMING MGA SIKMURA? MASASANGKOT PO BA KAMI SA PAGGAMIT/PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA KUNG WALA SA INYONG MGA NASA TAMANG EDAD ANG GAGAWA, MAGPAPALUSOT, AT MAGPOPROTEKSYON SA MGA KASANGKOT SA MGA GANITONG GAWAIN?" MAY KINIKILINGAN PO BA TALAGA ANG BATAS?"
Paano kung "ISUMBAT" nila na "KUNG KAYO NGA PO NA MATATANDA NA EH MGA WALA DING DISIPLINA AT PILIT NINYONG BINABALUKTOT ANG BATAS PARA PUMABOR SA INYO, KAYO PA PO TALAGA ANG GUMAWA NG BATAS KUNG PAANO KAMI DAPAT DISIPLINAHIN."? "KUNG KAYO NGA PO NA MATATANDA NA, NA HIGIT NA MALALALA ANG MGA KASALANAN NINYO SA TAUMBAYAN AT SA KAPWA, MALAYANG- MALAYA PA RIN KAYO SA PAGGAWA NG MGA IYON, TAPOS DAHIL MGA BATA LANG KAMI AY MADALI NINYONG HUHULIHIN O IPAHUHULI? GANYAN PO BA ANG KAHULUGAN NG HUSTISYA?"
Paano kung "IBALIK NILA ANG TANONG" na, "KUNG SINISISI NINYO ANG AMING MGA PAMILYA O MGA MAGULANG, KESYO PINAPABAYAAN NILA KAMI KAYA KAMI NAGKAKAGANITO,, EH IBIG PO BANG SABIHIN AY LABIS DIN KAYONG PINABAYAAN NG INYO-INYONG MGA MAGULANG DAHIL HANGGANG NGAYONG MAY EDAD NA KAYO, AT MGA OPISYAL PA NG GOBYERNO, AY PATULOY PA RIN KAYO SA PAGGAWA NG INYO-INYONG MGA KASALANAN SA BAYAN? KAHIT KASTIGUHIN KAMI NANG KASTIGUHIN NG AMING MGA MAGULANG SA PAGDISIPLINA SA AMIN SA LOOB NG AMING MUNTING TAHANAN, SA PAGTUTURO SA AMIN TUNGKOL SA PAGSUNOD SA BATAS AT PAGGAWA NG MABUTI, PERO SA MGA GINAGAWA NAMAN NINYONG MGA ILIGAL AT PAGLABAG SA BATAS SA ATING PAMAHALAAN, LIPUNAN AT BUONG BANSA, EH PARA BANG IPINAMUMUKHA NINYO SA AMIN NA "SINUNGALING" ANG AMING "AMA AT INA NA NAGBIGAY BUHAY" SA AMIN."?
Paano kung itanong nila, "SINO PO BA TALAGA ANG NAGIGING SALOT NG LIPUNAN: "KAMI" PO BA NA GUMAGAYA LANG SA GINAGAWA NINYONG MATATANDA O "KAYO" NA GINAGAYA LANG NAMAN NAMIN? KAYO PO ANG MGA INSPIRASYON NAMIN SA PAGGAWA NITO EH". Pakatandaan po natin (sa tono ng bata na sumasali sa contest) May kasabihan po tayo na "ANG GINAGAWA NG MATATANDA AY SIYA RING GAGAWIN/GAGAYAHIN NG MGA BATA."
Paano kung sila naman ang "HUMULING" na "KUSA NA PO SANANG MAGRESIGN KAYONG LAHAT NG MGA OPISYAL AT KAWANI NA SANGKOT SA KORAPSYON AT MGA ILIGAL NA GAWAIN SA GOBYERNO"? (Sino-sino nga kaya sa kanila ang "MALINIS"?) Paano kung "IPANAWAGAN" din nila na "BAGUHIN DIN PO NINYO ANG BATAS AT GAWIN NANG "BITAY" ANG MAGING HATOL NA KAPARUSAHAN SA MGA SANGKOT SA KORAPSYON, SA MGA DRUG LORDS AND PROTECTORS, AT SA LAHAT NG MGA GUMAGAWA NG MGA HEINOUS CRIMES PARA MAWALA NA ANG MGA "TUNAY" NA KRIMINAL SA ATING BANSA AT WALA NA KAMING MAPAMARISAN PA.?" ITURO PO NINYO SA AMIN ANG KABULUHAN NG DISIPLINA, PAGSUNOD SA BATAS AT PAGGAWA NG MABUTI SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAKITA NINYO SA AMIN NG AGARANG PAGBIBIGAY NG MGA KARAMPATANG KAPARUSAHAN SA KANILA, NANG WALANG KINIKILINGAN, WALANG PINOPROTEKTAHAN (Ehem! Excuse po!) AT WALANG PINAGBABATAYANG ESTADO SA BUHAY."? Mabilis bang mapagbibigyan ang mga kahilingan nilang iyon alang-alang sa sinasabi nating "CONCERN" tayo sa kanila, at para sa kanilang "MAGANDANG KINABUKASAN"?
Kung NAGAGAWA natin silang PAG-ISIPAN sa POTENSYAL na PAGKAKAROON nila ng "CRIMINAL MINDS", 'WAG NA 'WAG rin po NAWA nating ISANTABI ang mga POSIBILIDAD na TUMATATAK TALAGA sa kanilang mga PUSO ang mga ganitong mga SALOOBIN.
OO, SANG-AYON AKO sa PAGPAPABABA ng "AGE OF CRIMINAL LIABITY". Sang-ayon ako na NAPAKAHALAGA nito bilang "PROTECTION AND SAFE GUARDS SA MGA KABATAAN" para hindi sila magamit ng iba't ibang sindikato sa paggawa ng iba't ibang krimen. Para hindi na rin sila marecruit pa ng mga grupong communista, terorista, at iba pang pangkat na hangad ay pabagsakin ang gobyernong- Pilipino. At, para sila ay mabuhay nang may disiplina, may takot, at mapigilan sila sa paggawa ng masama at maapang maging mga kriminal at maturingang "salot sa lipunan". Pero sa ganang aking sariling OPINYON, magiging mahirap pa rin ang
implementasyon nito, nang ayon sa itinatadhana ng batas, HANGGA'T PATULOY ANG KORAPSYON SA GOBYERNO, ANG PAGKAGAHAMAN SA PERA AT KAPANGYARIHAN NG MGA DAPAT SANA AY NAGSISILBING "HUWARAN" NG MGA KABATAAN SA PAGGAWA NG TAMA AT MABUTI, SA PAGLILINGKOD NANG TAPAT AT TUNAY NA MAY PAGMAMALASAKIT SA KAPWA AT SA ATING BANSA, AY SILA PA ANG NAGIGING "BATAYAN" SA PAGGAWA NG MGA ILIGAL AT LABAG SA BATAS AT MGA PANGLALAMANG SA KAPWA; AT HANGGA'T MAY MGA TAGAPAGPATUPAD NG BATAS, MAGING SA ATING EHUKUTIBO, LEHISLATIBO AT HUDISYAL NA SANGAY NG GOBYERNO, NA PATULOY NA ANG PINAMAMAYANI AY HINDI PATAS NA PAGTRATO SA MAHIHIRAP AT MAYAYAMAN, SA MGA MAY KAPANGYARIHAN AT SA MGA ORDINARYONG MAMAMAYAN.
Hindi pa rin po natin nilalahat. Magalit na sila kung magalit at magmaang-maangan man sila nang magmaang-maangan, hinding-hindi nila maloloko ang kanilang sarili, at hinding-hindi nila masasabi na WALANG GANOON sa kanila dahil alam na alam naman nila sa kanilang mga sarili na "MERON, MERON, MERON!!" (pasok Carlo) naman talaga. Magkampi-kampihan at magsabwa-sabwatan man sila, ay hinding-hindi malilingid kay INANG BAYAN ang kanilang mga pinaggagawa, lalo na sa TUNAY NA BUHAY NA DIYOS NA LUBOS NA MAGMAMAHAL SA BANSANG PILIPINAS AT LAHING PILIPINO. Idagdag pa natin, na gaya natin, mamamatay din naman sila pagdating ng araw, 'di ba?
Kaya nga, BUONG-BUO ang SUPORTA ko sa "WAR ON ILLEGAL DRUGS, CRIMES AND CORRUPTION" na ipinatutupad ni PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE. Para sa akin, ang NAPAPANAHONG MGA HAKBANG niya na ito ay siyang TUNAY na NAGPAPAKITA at NAGPAPADAMA ng PAGMAMALASAKIT AT PAGPAPAHALAGA sa ating mga KABATAAN dahil, kapag ganap na ma-ERADICATE na sa ating bansa ang 3 ito, maaaring wala ng maging hadlang, at magiging madali na para isakatuparan at isabuhay, at wala nang pag-aalinlangan, at may pagmamalaki na nating masasabi ang mga kataga ni GAT JOSE RIZAL na "ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN".
Kung MAGKAKAISA, MAGTUTULUNGAN, MAGPAPAHALAGAHAN at MAGMAMALASAKITAN lang sana NANG TUNAY ang mga PILIPINO...
_____________________________________________
P.S.
Aminado po ako na makasalanan ako. It's just that there's something in me na umuukilkil na isulat ang mga nailimbag sa itaas. Pagpasensyahan n'yo na po kung sa isang katulad ko lang naggaling ang mga ito.
MABUHAY ANG PILIPINAS!!!