Friday, January 11, 2019
*HINDI KAMI MANHID, HINDI KAMI TANGA* ni Augusto Flameño Monsayac
Hindi kami manhid, hindi kami tanga
Para hindi maramdaman, para hindi makita
Ang mabubuting pagbabagong nagaganap sa ating bansa
Na hatid ni PANGULONG RODRIGO DUTERTE
sa kanyang pamamahala.
Hindi kami manhid para hindi maramdaman
Ang mga pagmamalasakit at pagmamahal niyang tunay
Para sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan
At para sa bansang Pilipinas na ating Inang Bayan.
Hindi kami tanga para hindi mapagtanto
Ang buong tapang na pagtatanggol niya na "Ang mga Pilipino
Ay hindi dapat minamaliit, hindi dapat minamaltrato
Ng kahit anomang bansa, ng anomang lahi sa mundo."
Hindi kami manhid para hindi makiisa
Sa pasasalamat ng mga milyun-milyong pamilya
Na ang mahal sa buhay ay nabigyan ng pag-asa
Na buhay na nailigtas mula sa pagkasalot ng droga.
Hindi kami tanga para hindi mapansin
Ang napakalaking kabawasan sa iba't ibang krimen;
Hindi kami manhid para hindi bigyang-giliw
Ang katiwasayan ngayon sa lipunan natin.
Hindi kami manhid para hindi bigyang-pugay
Ang mga makabuluhang hakbang ng ating pamahalaan
Upang ang kapayapaan ay ganap na nating makamtan
Sa Luzon, Visayas at maging sa Mindanao.
Hindi kami tanga para hindi bigyang-atensyon
Ang mas mabilis at mas mahusay na pagkakakoordinasyon
Ng mga sangay ng gobyerno na ngayon ay may kooperasyon
Upang ang paglilingkod sa kapwa'y agarang mabigyang-tugon.
Hindi kami manhid para hindi ikatuwa
Ang maraming imprastrukturang nagawa na't ipinapagawa
Para sa kaunlarang ramdam sa iba't ibang panig ng bansa
Para sa komportableng pamumuhay na karapatdapat sa madla.
Hindi kami tanga para hindi mapag-alaman
Ang pagpupunyagi ni Pangulong Duterte sa paghahanap ng mga paraan
Para sa libreng edukasyong sa mga mag-aaral ay inilalaan
At ang "Zero Balance Bill" sa paglabas ng mahihirap ospital.
Hindi kami manhid para hindi mapukaw
Sa respeto at pagkilalang na sa kanya'y ibinibigay
Ng iba't ibang lider ng iba't ibang pamahalaan
Na nakikipag-ugnayan sa kanya nang may hatid na pakikipagkaibigan.
Hindi kami tanga para hindi maulinig
Ang mga tinig mula sa iba't ibang lahi sa daigdig
Na nagpapahayag na ang Pilipinas as pinagpalang labis
Sa pagkakaroon ng Presidente na may tapang at tunay na malasakit.
Hindi kami tanga para basta-basta na lamang hayaan
Na pabagsakin ng sinoman ang PILIPINONG Pamahalaan;
Hindi kami manhid para hindi taos-pusong suportahan
Si PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE, "Tatay Digong" naming mahal.
#DUTERTE
#PangulongRodrigoRoaDuterte
#TatayDigong
#DU30
(Photo credit to the owner)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment